What's Hot

Ken Chan, may dalawang pelikula na kukunan sa Thailand at Taiwan

By Marah Ruiz
Published April 27, 2023 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Dalawang pelikula na kaagad ang nakapila para kay Ken Chan at sa Thailand at Taiwan pa kukunan ang mga ito.

Sunod-sunod ang mga proyekto ni Kapuso actor Ken Chan.

Kasisimula pa lang ipalabas sa sinehan ang kanyang bagong pelikulang Papa Mascot pero mayroon na kaagad siyang nakapilang mga susunod na pelikula.

Kabilang diyan ang isang upcoming romance comedy drama na sa Taiwan pa kukunan.

"Ishu-shoot namin in July [ang pelikula]. Si direk Louie Ignacio pa rin po ang magdi-direct. I'm half Chinese and talagang makaka-relate ako at makaka-connect ulit ako sa mga kapwa ko na nandoon sa Taiwan," pahayag ni Ken.

Pagkatapos noon, didiretso siya sa Thailand para sa shooting ng isa pang movie project.

"Gagawa po ako ng isang pelikula with a Thai actor. It's a collaboration of Philippine and Thai cinema," aniya.


Sa ngayon, abala si Ken sa pagpo-promote ng Papa Mascot kung saan gumanap siya bilang isang lalaking tatayong ama ng batang hindi niya kadugo.

Humugot daw siya ng inspirasyon sa dalawang tao para mabuo niya ang karakter niya sa pelikula.

"Ang tema ng pelikula is about a father and a daughter. Sa pelikula na 'to, malaking impluwensiya at inspirasyon si Tatay sa akin, si Kuya Germs, kasi for a long time siya ang naging tatay ko eh. And also my dad, my biological dad," pahayag ni Ken.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

SAMANTALA, SILIPIN ANG RED CARPET PREMIERE NG PAPA MASCOT NI KEN CHAN DITO: