
Puno ng pasasalamat si Ken Chan dahil patuloy ang magandang samahan nila ng kanyang Sparkle GMA Artist Center family.
Ayon sa talented Kapuso actor, masaya siya dahil kabilang siya sa mga artistang pumirma sa biggest contract signing event ng Sparkle GMA Artist Center na Signed For Stardom.
Ang Signed For Stardom ay ginanap nitong May 26 sa GMA Network studio.
Photo source: niceprintphoto
Saad ng aktor sa kanyang exclusive interview with GMANetwork.com, masayang masaya siya sa espesyal na araw na ito dahil magpapatuloy ang kanyang career bilang Kapuso sa Sparkle GMA Artist Center.
“Bukod sa sobrang saya ko, ngayong araw na to, I feel so blessed and thankful kasi looking forward ako sa mga gagawin ko with my Sparkle family.
Ani Ken, maganda ang samahan nila ng Sparkle GMA Artist Center. “Sobrang healthy and sobrang ganda ng relationship ko with them.
Pasasalamat naman ang sinabi ni Ken sa kanyang management dahil sa hindi siya binibitawan mula ng pasukin niya ang showbiz.
“Mula noong una pa lang na kay Kuya Germs ako, nandiyan na rin ang Sparkle family ko. Sobrang thankful ako kasi until now hindi nila ako binibitawan. Patuloy pa rin silang kumakapit at nagtitiwala sa akin.”
Dugtong pa ng mahusay na aktor, “I am just so happy kasi isa sa mga blessed na pipirma ulit at ipagpapatuloy ang magandang buhay dito sa Sparkle.”
Kilalanin ang iba pang mga Kapuso stars na nakasama ni Ken sa Signed for Stardom dito: