GMA Logo ken chan
Celebrity Life

Ken Chan reveals the lessons he learned as an entrepreneur

By Dianne Mariano
Published September 27, 2022 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan


Alamin ang pinakamahirap na challenge na hinarap ni Ken Chan bilang entrepreneur dito:

Ilang buwan bago sumapit ang kapaskuhan, opisyal nang nagbukas ang panibagong branch ng Christmas-themed cafe ni Kapuso heartthrob Ken Chan na Cafe Claus nitong Linggo, September 25, sa Eastwood Citywalk, Quezon City.

The grand opening of the third branch of Cafe Claus was held at Eastwood Citywalk on September 25, 2022.

Sa nasabing grand opening ng Cafe Claus, isang masayang event ang inihanda ni Ken, ang “Clauschella," kung saan nag-perform ang kanyang mga kaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco, Betong Sumaya, Mark Bautista, at Glaiza De Castro.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken, ibinahagi niya ang mga aral na kanyang natutunan bilang entrepreneur. Isa na rito ay ang kahalagahan ng pag-iipon.

“Pinabaunan ako ni Tatay, ni Kuya Germs, ng mga salita niya bago siya nawala. Sabi niya sa akin, 'Unang-una, mag-ipon.' 'Yan ang pinakaimportante. Kapag kumita ka ng sampung piso, gastusin mo 'yung piso, itago mo 'yung siyam na piso. Gano'n dapat ang pag-iipon. Medyo mahirap pero dapat kayanin,” sagot niya.

Kabilang din sa natutunan ng Kapuso star bilang isang businessman ay ang mahalin ang kanyang trabaho at ang mga kasama sa negosyo.

Aniya, “Pangalawa, mahalin ko 'yung trabaho ko. Mahalin ko kung ano 'yung business na mayroon ako. Pangatlo, mahalin ko 'yung mga katrabaho ko mula sa mga business partner ko at sa mga staff.”

Maraming hamong kinaharap ang aktor sa pagpapatayo ng kanilang negosyo ngunit nalampasan niya ito dahil sa suporta ng kanyang pamilya, business partners, at kaibigan.

Kuwento niya, “'Yung mga challenge na kinukuwestiyon mo 'yung sarili mo kung kaya mo, isa 'yun sa pinakamahirap na challenge na kinaharap ko sa pagtatayo ng business na ito because parang kinakalaban mo na 'yung sarili mo.

“Pero ang ginawa ko, of course, I have my full support from my family and sa business partners ko, kay Ryan Kolton, my brother Mark Chan, and also Chef Ge Garigade, na nandiyan na nagpapalakas ng loob ko.

“And also the people na nagsasabi sa akin na ituloy ko itong business na ito because kakaiba siya, unique, and wala pa silang ganitong napupuntahan na klaseng lugar o cafe-restaurant dito sa Pilipinas. Worth it naman.”

Matatagpuan naman ang dalawang naunang branches ng Cafe Claus sa Tandang Sora at Greenhills Promenade.

SILIPIN ANG CAFE CLAUS NI KEN CHAN SA TANDANG SORA AT GREENHILLS PROMENADE BRANCHES SA GALLERY NA ITO: