GMA Logo ken chan and kuya germs
Photo source: @akosikenchan
Celebrity Life

Ken Chan, sa pagsisimula ng negosyo sa gitna ng pandemya: 'Lakasan ng loob'

By Maine Aquino
Published June 9, 2022 3:12 PM PHT
Updated June 9, 2022 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan notch bronze medals at 2025 SEA Games
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan and kuya germs


Bukod sa pagiging mahusay na aktor, isa na rin entrepreneur si Ken Chan dahil sa payo ni Kuya Germs.

Bukod sa pagiging kahanga-hangang aktor, isa na rin si Ken Chan sa celebrities na matagumpay pagdating sa pagnenegosyo.

Pag-amin ni Ken, noong una ay mahina pa ang loob niya sa pagsisimula ng negosyo. Ngunit dahil sa payo ng kanyang yumaong mentor na si German "Kuya Germs" Moreno, tinupad niya ang matagal na niyang pinapangarap.

"Tinandaan ko 'yung sinabi ni Kuya Germs noon. Lagi niyang sinasabi niya sa akin na magtipid, magtipid, magtipid, so 'yun ang ginawa ko. Dahil sa pagtitipid ko, naipatayo ko 'yung isa sa pinapangarap kong business. Yung gasoline station and yung Café Claus, it's a Christmas café all year round."

Ayon kay Ken, proud siya dahil nakabuo siya ng negosyo.

"Sobrang proud ako dito kasi it's a family concept, and 'yung family ko kasi love 'yung Christmas and love kumain so pinagsama ko 'yun, and we came up with this idea 'yung Café Claus," sabi ni Ken sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

Photo source: @akosikenchan

Ayon kay Ken, ang pagpapatayo ng negosyo ay isa sa mga inasikaso niya ngayong may COVID-19 pandemic.

"'Yan ang isa sa mga natutunan ko nitong pandemic. Noon kasi talaga pinanghihinaan ako ng loob, hindi ko alam paano magsimula ng isang business."

Ipinaliwanag rin ni Ken kung bakit kung kailan may pandemya saka niya naisipang simulan ang pagnenegosyo.

"Sa mga nagtatanong sa akin bakit ngayong pandemic ko siya ginawa, sabi ko sa kanila, why not? Bakit hindi ngayon? Kailan pa?"

"Ayoko kasing limitahan 'yung sarili ko, 'yung pangarap ko, dahil lang sa pandemya. Siyempre, lakasan ng loob and tibay ng loob," paliwanag ng celebrity entrepreneur.

Nagbigay rin ng payo ang Kapuso actor sa mga nais magtayo ng negosyo.

Aniya, "Sa lahat ng Kapuso natin na gustong magtayo ng business diyan, tatlong payo lang ang maipapayo ko sa inyo. Magtipid, lakasan ang loob, at siguraduhin ninyo na 'yung business na itatayo ninyo, siguraduhin ninyo na mayroon kayong passion doon at 'yung passion na 'yun gawin ninyo siyang business. For sure magiging successful kayo."

Balikan ang mga naganap sa contract signing ni Ken Chan at ng ilang Sparkle artists sa "Signed for Stardom" dito: