What's Hot

Ken Chan sa role niyang may DID: "Very brave ang GMA na gumawa ng ganitong teleserye"

By Dianara Alegre
Published February 11, 2021 11:43 AM PHT
Updated February 23, 2021 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Gagampanan ng versatile actor na si Ken Chan ang role ng lalaking may dissociative identity disorder (DID) sa upcoming series na 'Ang Dalawang Ikaw.'

Mananatiling Kapuso ang versatile actor na si Ken Chan pagkatapos mag-renew ito ng kontrata sa GMA Network nitong Lunes, January 8.

Ken Chan nag renew ng kontrata sa GMA Network

Source: akosikenchan (Instagram)

Ayon kay Ken, isa sa mga ipinagpapasalamat niya sa network ay ang pagbibigay sa kanya ng iba't ibang proyektong tumatalakay sa mga mahahalagang usapin sa lipunan o adbokaserye.

Iba't ibang notable roles na ang nagawa ni Ken na naghatid ng kaalaman sa publiko tungkol sa mga pinagdadaanan ng tao tulad ng buhay ng transwomen sa Destiny Rose, ng mga taong may autism sa My Special Tatay. At ngayon ay gaganap naman siya bilang isang lalaking may dissociative identity disorder (DID) sa upcoming series na Ang Dalawang Ikaw.

Ang DID ay isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkaroon siya ng dalawang katauhan.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa GMA kasi very brave talaga ang GMA na gumawa ng ganitong teleserye na tinatawag nating adbokaserye because may ipinaglalaban.

“Dito sa Pilipinas, hindi ganoon ka-popular [ang usapin tungkol sa] DID. Kahit papaano, magkakaroon sila (manonood) ng idea, madadagdagan 'yung knowledge nila about sa ganitong klaseng kondisyon,” lahad ni Ken nang makapanayam ng 24 Oras.

Samantala, sa panayam ni Ken sa GMA flagship news program noong January, sinabi niyang isa sa mga pangarap niyang role ang bagong karakter na gagampanan.

“Ang lagi ko kasing wish e 'yung magkaroon ng isang serye na pangarap kong gawin. At ito, itong serye na gagawin kong ito 'yung isa sa mga pinagdadasal ko at wini-wish ko talaga na sana magawa ko at tinupad ulit ni Lord.

“Ang goal ng Ang Dalawang Ikaw ay para turuan namin at mabigyan ng idea 'yung mga tao kung paano ba tumatakbo 'yung buhay ng mga DID,” aniya.

Ken Chan

Source: akosikenchan (Instagram)

Sa serye, gagampanan ni Ken ang role nina Nelson at Tyler, isang lalaking may DID, at makakatambal niya rito ang My Special Tatay at One of the Baes co-star niyang si Rita Daniela na gaganap bilang si Mia, ang asawa ni Nelson.

Tampok din sa serye si Anna Vicente bilang si Beatrice, ang fiancee ni Tyler.

Bukod sa kanila kasama rin sa cast ng Ang Dalawang Ikaw sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan at Jeremy Sabido.

Silipin ang kanilang lock-in taping dito:

Samantala, na-miss n'yo ba ang tambalang Boyet at Aubrey ng My Special Tatay? Balikan ang kanilang kilig moments sa gallery na ito: