GMA Logo Ken Chan, Jillian Ward
Courtesy: akosikenchan (IG)
What's on TV

Ken Chan teases 'pasabog' scenes in 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published January 2, 2024 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire razes houses in Sta. Cruz, Manila
Non-structural fires in Davao City more than doubled in Q1 of 2026
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan, Jillian Ward


Handa na ba kayo sa mas mabibigat na mga eksena sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'?

May pahapyaw ang Sparkle actor na si Ken Chan tungkol sa ilang mga eksena sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken, ibinahagi niya na marami pang dapat abangan sa seryeng kanyang kinabibilangan.

Ayon sa aktor, “Marami pa po kaming pasabog. Marami pa po kaming nakahanda na mga sorpresa sa Abot-Kamay Na Pangarap.”

“Abangan n'yo po 'yung mga 'yun, mga Kapuso,” dagdag pa niya.

Bago ito, nagpasalamat si Ken sa mga manonood na patuloy na sumusubaybay sa serye.

Pahayag niya, “Maraming Salamat po. Ramdam namin 'yung suporta at pagmamahal n'yo sa mga karakter at buong cast.”

Si Ken ay isa sa mga leading man ni Jillian Ward (Analyn) sa naturang medical drama series.

Napapanood siya rito bilang si Doc Lyndon Javier, isang doktor na may espesyal na nararamdaman para sa pinakabatang doktor na si Doc Analyn Santos.

Samantala, patuloy na subaybayan si Ken Chan bilang si Doc Lyndon sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: