GMA Logo Thats My Bae 2015 winner Kenneth Earl Medrano
Photo by: Screenshot from Kapuso Mo, Jessica Soho
What's Hot

Kenneth Earl Medrano, na-diagnose ng testicular cancer

By Aimee Anoc
Published July 7, 2026 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Police probe security threat vs 4 schools in Bacolod City
Kapuso fans feel the kilig once more as First Yaya returns on TV
VP Sara Duterte's video threatening to kill Marcos, family presented as evidence

Article Inside Page


Showbiz News

Thats My Bae 2015 winner Kenneth Earl Medrano


Kenneth Earl Medrano nang may nakapa na bukol sa kanyang testicle: "Parang may nakaumbok. Habang tumatagal, nag-iba talaga, especially 'yung size sa right na testicle ko. Alam ko sa sarili ko na may iba. Hula ko lang na cancer talaga siya."

May matinding laban na pinagdaanan ang "That's My Bae" 2015 winner na si Kenneth Earl Medrano ngayong taon.

Noong Pebrero, na-diagnose siya ng testicular cancer, isang klase ng cancer na nagsisimula sa testicles ng lalaki.

Sa interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Kenneth, ikinuwento niya na nagsimula ang lahat noong Disyembre nang may nakapa siyang bukol sa kanyang bayag o testicle.

"Parang may nakaumbok. Habang tumatagal, nag-iba talaga, especially 'yung size sa right na testicle ko. Alam ko sa sarili ko na may iba. Hula ko lang na cancer talaga siya. 'Yung partner ko, nakahalata na rin siya, pinilit n'ya talaga ako na magpa-check up," kuwento ni Kenneth.

Nang lumabas ang resulta ng kanyang test, dito na niya nakumpirma na mayroon siyang testicular cancer.

"Sabi niya, 'Sobrang laki na kasi nung mass,'" pagtukoy ni Kenneth sa sinabi sa kanya ng doktor. "Parang gumuho po 'yung mundo ko. At bakit ako? May baby pa ako. Gusto ko pa makita 'yung mga apo ko."

Ayon sa urologist na si Dr. Jerome San Jose, isa sa possible cause ng testicular cancer ay ang strong family history, kung mayroon na ring kamag-anak na nagkaroon ng testicular cancer.

Ibinahagi ni Kenneth na posibleng nasa lahi nila ito. Sabi niya, "Kailan lang nasabi ng pinsan ko na 'yung tito ko na-diagnose daw siya before."

Pinayuhan si Kenneth ng kanyang doktor na agad na sumailalim sa orchiectomy, operasyon para tanggalin ang kanyang testicle na mayroong tumor.

"Pinapa-ready ako ng doctor na nasa mga PhP 250,000. Pati savings ko ngayon wala, limas," kuwento ni Kenneth.

Noong February 16, naoperahan na si Kenneth kung saan tinanggal ang kanyang right testicle. Dalawang linggo matapos ang kanyang operasyon ay bumalik na rin siya sa trabaho.

Ano nga ba ang testicular cancer at paano ito maaagapan? Alamin sa buong report ng Kapuso Mo, Jessica Soho: