GMA Logo Kevin Santos and Raphee delos Reyes
Photos by: pilot_kevinreal (IG)
What's Hot

Kevin Santos at Raphee delos Reyes, malaki ang natipid sa kanilang 'pandemic wedding'

By Aimee Anoc
Published January 23, 2022 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala outlasts Rebeka Masarova in rain-delayed Birmingham Open semis, reaches second WTA 125 final
This stunning bamboo sanctuary in Cavite just made TIME's World's Greatest Places 2026 list
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste

Article Inside Page


Showbiz News

Kevin Santos and Raphee delos Reyes


"Super practical siya dahil nga sa situation natin, hindi ka pupuwedeng gastos nang gastos." - Kevin Santos

Ikinasal noong unang Linggo ng Enero ang aktor na si Kevin Santos sa kanyang non-showbiz partner na si Raphee delos Reyes.

Sa interview kay Nelson Canlas sa 24 Oras, ibinahagi ni Kevin ang naging preparasyon sa kasal nila ni Raphee.

Ayon sa aktor, marami ang nabago sa orihinal na plano ng kanilang dream wedding dahil sa pandemya. Gayunman, malaki naman ang natipid nina Kevin at Raphee sa kanilang naging simpleng kasal.

"Siyempre kulang lang dahil wala kaming prenup, wala kaming mga na-set na ganon. Ang dami naming gustong puntahan dito sa Philippines, pero wala ngang chance dahil bigla na lang nagkaroon ng Omicron. Ang hirap ng situation," pagbabahagi ni Kevin.

Dagdag pa ng aktor, wala ring wedding coordinator at magarbong gown sa naging kasal nila ni Raphee sa isang hotel, at puro close family at friends lamang ang inimbitahan nila.

A post shared by @pilot_kevinreal

Para kay Kevin, naging practical na lamang sila sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo dahil sa pandemya. "Hindi ka pupuwedeng gastos nang gastos kasi hindi mo alam kung anong mangyayari sa susunod. At least ang ganda naman ng kinalabasan ng wedding. So nakatutuwa pa rin kahit paano," sabi ng aktor.

Ilalaan na lamang daw nina Kevin at Raphee ang kanilang natipid sa kanilang future plans.

Sa kasalukuyan, nakabalik na sa Australia si Raphee kung saan ito nagtatrabaho bilang isang frontlliner. Balik-training naman sa pagiging piloto at artista si Kevin.

Samantala, tingnan ang celebrity weddings noong 2021 sa gallery na ito: