GMA Logo Kevin Santos
What's on TV

Kevin Santos, tuloy ang taping matapos magnegatibo sa COVID-19

By Aedrianne Acar
Published September 22, 2020 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kevin Santos


Kevin Santos, ipinasilip ang 'new normal' sa taping ng kanilang sitcom na 'Daddy's Gurl.'

Doble ang ginagawang pag-iingat ng mga production team ng bawat show upang mapanatiling COVID-free ang lahat ng mga artista at kani-kanilang staff.

Kahit sa taping ng high-rating sitcom na Daddy's Gurl, isa sa mga protocol na pinapatupad ang swab testing ng lahat na kasama sa produksyon.

Sa Instagram video na ibinahagi ng Kapuso comedian na si Kevin Santos, ipinasilip niya ang ginawang COVID testing sa kanila.

Sinabi ni Kevin na masakit at may discomfort ang buong proseso, pero sa kabutihang palad ay negatibo siya sa coronavirus.

Mas masakit pa sa break up besh. 🤣 Thank God NEGATIVE. #DaddysGurlSwab

Isang post na ibinahagi ni Kevin Santos (@pilot_kevinreal) noong

Napa-comment din sa video ni Kevin Santos ang Kapuso leading man na si Ruru Madrid.

Gumaganap si Kevin bilang Daboy na officemate ni Stacy (Maine Mendoza). Samantala, may recurring role naman si Ruru sa Daddy's Gurl bilang si Sir Anton na masugid na manliligaw ng anak ni Barak (Vic Sotto).

EXCLUSIVE: Kevin Santos, nagulat nang may show siya kahit una siyang natanggal sa 'StarStruck'

Kevin Santos, sinabing sulit ang halos isang araw na pagpila noon sa 'StarStruck'

Kevin Santos graduates cum laude from Arellano University