TV

EXCLUSIVE: Kevin Santos, nagulat nang may show siya kahit una siyang natanggal sa 'StarStruck'

By Aedrianne Acar

Nakaka-relate ang Kapuso comedian na si Kevin Santos sa libo-libong nag-aasam na makapasok sa reality-based artista search na StarStruck.

Kevin Santos

Simula na kasi ang nationwide audition ng groundbreaking Kapuso show para hanapin ang susunod na Ultimate male and female survivors.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Kevin Santos sa taping ng kaniyang sitcom na Daddy's Gurl sa isang condominium unit sa Quezon City, nagbalik tanaw ito sa mga pinagdaanan niya sa StarStruck.

Isa marahil sa pinaka-memorable para sa magaling na comedian ay ang mabigyan ng pagkakataon sa Kapuso Network na ipakita ang kanyang talent kahit isa siya mga naunang nalaglag sa kumpetisyon.

Kuwento ni Kevin, “Actually nung unang natanggal ako sa StarStruck, sabi ko tapos na. Kasi natanggal ka na eh, wala na. So, nagulat ako naparang, after ng StarStruck pahinga, kasi ongoing pa sila tapos nauna pa ako natanggal. Gulat ako mayroon akong show after.”

EXCLUSIVE: Kevin Santos admits he is still adjusting to the style of comedy in 'Daddy's Gurl'

WATCH: 'StarStruck' hopefuls, gustong sundan ang yapak nina Jennylyn Mercado at iba pang Kapuso stars

Nagbigay din ang Daddy's Gurl actor ng ilang payo para sa sa mga StarStruck hopefuls na dapat nilang maging 'attitude' para maging successful sa kanilang pagsali sa show.

Saad ni Kevin, “Ako kasi straight to the point ako na tao. Siguro ang advice ko lang sa kanila, bukod dun sa 'yung paa n'yo dapat nasa lupa, huwag lalaki ang ulo, siyempre, of course mahalin 'yung work, marunong makisama.”

“Alam nila kung paano i-balance 'yung pakikisama sa tao, dapat mahalin nila 'yung fans. At saka dapat seryoso sila hindi 'yung parang 'pagnatilian ka lang sa isang lugar, gumanda lang ang rating mo kala mo sikat na sikat ka na. Huwag ganun!”

Tuloy tuloy pa rin ang auditions para sa StarStruck hanggang February 15 sa iba't-ibang parte ng bansa.