GMA Logo 125098
What's on TV

Khalil Ramos, nagbahagi ng tips kung paano maging confident

By Maine Aquino
Published January 22, 2021 5:03 PM PHT
Updated January 22, 2021 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

125098


Alamin ang mga paraan na ginawa ng Kapuso actor na si Khalil Ramos para maging confident siya sa acting at photography.

Sa episode ng Hangout nitong January 19, nagbahagi ng kuwento si Khalil Ramos kung paano niya na-gain ang kanyang confidence sa larangan ng acting at sa photography.

Ito ay ibinahagi ng Kapuso actor pagkatapos siyang tanungin ng isa sa kanyang mga fans kung ano ang maipapayo niya sa mga taong gustong i-pursue ang kanilang passion ngunit sila ay mahiyain.

Pagsisimula ni Khalil, “Ang pinakamagandang advice na puwede kong ibigay is to always look back at what you love doing.”

Inamin ni Khalil na dumaan rin siya sa stage na hindi pa siya confident sa kanyang mga ginagawa.

Ani ng aktor, “Pinagdaanan ko rin 'yan just like a lot of people na hahanapin 'yung purpose sa buhay. Tinatanong natin minsan 'yung sarili natin na ito ba talaga 'yung gusto kong gawin?”

Ayon sa aktor, binabalikan niya kung saan siya nagsimula.

Khalil Ramos

Photo source: @khalilramos


“I would often look back kung bakit ako nagsimula in the first place. So what sparked your passion and that's what you hold on to. 'Yun 'yung panghawakan mo habangbuhay.

“Isipin mo kung what's your why? Why are you doing it? Bakit mo siya ginagawa and then eventually doon mo magi-gain 'yung confidence mo. Kasi kung buo 'yung purpose mo, aaralin mo 'ngayon kung paano mo gagawin 'yung bagay na 'yun.”

Ibinahagi ni Khalil ang kanyang personal experience kung paano siya nagsimulang makakuha ng confidence. Ayon sa aktor ang ginawa niyang way ang pag-aaral ng acting at ng photography.

“Kumbaga kung sa akin, visual arts or photography or acting kunyari. Pangarap ko siya dati na gusto kong gawin dahil mahilig akong umarte, mahilig din akong kumuha ng mga litrato. Dahil doon sa purpose na 'yun na telling stories to my audience through these mediums na ginagawa ko, pinag-aralan ko talaga siya. Lahat ginawa ko para makuha ko lahat ng knowledge to build my confidence.”

Nilinaw pa ng Kapuso star na noon ay hindi pa siya masyadong marunong umarte o kumuha ng litrato. Ngunit dahil sa pag-aaral niya rito, naging confident na siya sa kanyang mga ginagawa.

"Binuild ko 'yung confidence ko in the community that I'm in...lahat ng knowledge na nakukuha ko. Umangat 'yung confidence level ko now that I'm really practicing these mediums. These forms of art, I can freely talk about it with confidence."

Ayon pa kay Khalil, hindi talaga maiiwasan ang pagiging mahiyain sa umpisa, kailangan lang umanong pagsikapan ng gustong marating at pinapangarap sa buhay.

“'Yung shyness, nandiyan talaga 'yan sa simula, kailangan mo lang talagang trabahuhin.”

RELATED CONTENT:

Gabbi Garcia and Khalil Ramos will be starring in new series!

Khalil Ramos names the Kapuso stars he hopes to work with