GMA Logo khalil ramos and gabbi garcia
PHOTO COURTESY: khalilramos (IG)
What's Hot

Khalil Ramos, nagsinungaling na ba kay Gabbi Garcia?

By Dianne Mariano
Published May 30, 2022 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

khalil ramos and gabbi garcia


Sumalang sina Kapuso couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa lie detector test, kung saan sinagot ang iba't ibang tanong tungkol sa kanilang relasyon.

Humarap sina Kapuso couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa lie detector test ng Dapat Alam Mo! kamakailan para sagutin ang ilang tanong tungkol sa kanilang relasyon.

Isa sa mga tinanong ni Kapuso TV host Kuya Kim Atienza kay Khalil ay kung nagsinungaling na ba ito sa kanyang girlfriend.

PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo! (show page)

“Yes,” sagot ng aktor at ipinaliwanag na white lies lamang ang kanyang nasabi kay Gabbi.

Aniya, “Ako, I tell the absolute truth lalo na sa mga issues sa [relationship].”

Dagdag naman ni Gabbi, “Mga white lies lang."

Saad ng aktor, “Yeah, 'yung... Where are you? On the way na ako, pero nagbibihis pa lang.”

Nag-yes din ang aktor nang tanungin siya ni Kuya Kim kung si Gabbi na ba ang gusto nitong makasama habambuhay.

Isang nakakakilig naman na tanong ang ibinigay sa Kapuso actress sa lie detector test: “Kapag inalok ka ni Khalil ngayon magpakasal, would you say yes or no?”

“Yes,” sagot ni Gabbi.

Alamin ang mga sagot nina Gabbi at Khalil sa lie detector test sa Dapat Alam Mo! video sa ibaba.

Mapapanood naman sina Gabbi at Khalil sa upcoming romance-mystery mini-series na Love You Stranger on June 6 GMA Telebabad.

Samantala, tignan ang sweetest moments nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa gallery na ito.