
Matagumpay ang naging pagganap ni Khalil Ramos bilang si Joseph o DJ Jojo sa Stories from the Heart: Love On Air na kaniyang unang Kapuso series at una ring serye katambal ang aktres at kaniyang girlfriend na si Gabbi Garcia.
Maraming viewers ang humanga sa acting performance ng dalawa sa nasabing series. Lalong lumitaw ang galing ni Khalil sa pag-arte sa isang heavy drama scene nila ni Gabbi.
Pag-amin ng aktor, malalim daw ang hugot niya sa kaniyang karakter dahil nakaka-relate daw siya dito dahil din sa kaniyang mga matitinding pinagdaanan noon.
Sa isang panayam, sinabi ni Khalil na malaki ang pagkakakapareho nila ni Joseph.
"His dedication sa craft niya at yung pagiging protective niya over what he wants and his emotions, yung pagiging strong bilang isang tao. Si Joseph kasi may matinding pinagdadaanan so he is dealing with heartbreak at hindi yun madali para sa kaniya dahil yung heartbreak na yun meant everything for him kasi he used to work with his ex-girlfriend, so nagbago talaga yung buhay niya totally.
"Sobrang strong niya, hindi siya sumuko sa pagmamahal niya sa mga importanteng tao sa buhay niya. 'Yun yung what I admire most about him. When life challenges this hard it's very important na kumapit ka lang, kapit ka hanggat makakakapit ka."
Dagdag pa niya, "It reminded me of how I used to deal with things before may similarities kami in that sense na pagka nalungkot, e, ang tagal malungkot talagang nandoon ka lang kikimkimin mo hindi mo sasabihin sa kahit kanino, buong 6 months,1 year, malungkot ka lang."
Sabi pa niya, "I've been there, I know how it feels."
Nag-iwan din daw ng aral sa kaniya ang pagiging si Joseph, "Alam ko kung anong pinagdadaanan ni Joseph and it's just kinda reminded me na life doesn't stop there at just reminded me of personal growth, choosing, deciding talaga what your next steps would be and not really staying in the past but moving in the future."
Punto pa ng binatang aktor, "He just reminded me of how life is beautiful."
Tutukan pa ang mas pinainit na finale week ng Stories from the Heart: Love On Air, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Balikan naman ang behind the scenes sa naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air sa gallery na ito: