GMA Logo khalil ramos
Source: Khalil Ramos (FB)
What's Hot

Khalil Ramos, pabirong tinapatan ang Instagram bio ni Anne Hathaway

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 20, 2026 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Estudyante, patay sa leptospirosis matapos makagat ng daga at maligo sa baha
Drug suspect killed in Lanao del Sur buy-bust op
Ballet Philippines to stage '1001 Nights' this September

Article Inside Page


Showbiz News

khalil ramos


Jampacked at puno ng blessings ang September ni Khalil Ramos!

Kinatuwaan ng maraming netizens ang pagbabahagi ng Kapuso actor na si Khalil Ramos sa kaniyang social media ng isang nakatutuwang update para sa kaniyang mga fans at followers patungkol sa kaniyang busy at fruitful na career.

Ibinahagi kasi ni Khalil sa nakatutuwang paraan ang kaniyang mga naka-line up na mga proyekto sa September, na siya kapareha ng estilo sa social media ng sikat na Hollywood at Oscar-winning actress na si Anne Hathaway.

Sa Instagram bio kasi ni Anne, inilahad niya ang listahan ng kaniyang sunud-sunod na mga naglalakihang proyekto ngayong taon tulad ng Mother Mary, The Devil Wears Prada 2, The Odyssey Movie, End Of Oak Street, at Verity the Movie.

Source: annehathaway (IG)

Ito naman ay nakakatutuwang tinapatan ng Kapuso actor at ibinahagi niya ang screenshot ng kaniyang Instagram bio na nakalinya rin ang mga proyektong kinabibilangan niya.

Sa caption ng post, may pabirong hirit ang aktor: “O, sorry Anne Hathaway.”

Kabilang sa mga proyektong ibinahagi ni Khalil ay ang Saving Cherry, kung saan katambal niya ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza. Ito ay ipalalabas sa mga sinehan simula September 2.

Kabilang din siya sa digital series na Honor Thy Mother, na ipapalabas naman sa streaming platform na Prime simula September 11. Kasama niyang bibida rito sina Megastar na si Sharon Cuneta at Barbie.

Bibida rin si Khalil sa isang fantasy-BL film na pinamagatang Patay Gutom, kung saan makakatambal niya ang aktor na si Ian Pangilinan. Bahagi ito ng Puregold CinePanalo Film Festival na gaganapin mula September 23 hanggang October 4.

Maraming netizens ang natuwa sa post na ito ng actor at agad itong umani ng mga reaksyon at komento mula sa mga ito.

“Anne had only a way but Khalil had most,” sulat ng isang netizen sa comments section.

“The reference is referencing,” sabi ng isa.

“Booked and Blessed! HAHAHAHAHA,” pahayag ng isa pang netizen.

“Just spotted a strong Anne Hathaway contender,” pabirong ani ng isa.

“Anne Hathaway worthy opponent,” hirit pa ng isang netizen.

“PEAK NG CAREER!! Kinabahan na rin si Zendaya,” komento pa sa post ni Khalil.

“Anne Who? Hahahahha kavoguech,” nakakatuwang banat pa ng isa.

“Actually, dasurb naman talaga maraming projects ni Khalil since magaling siya — not only limited sa pag-act but pati theater, sing, dance + photography pa,” ani ng isa pang netizen.

Bukod sa mga pelikula at digital series na kinatatampukan ni Khalil, abala rin siya sa pagbabalik ng kanilang pamosong food vlog ng kaniyang real-life girlfriend na si Kapuso actress Gabbi Garcia, ang Front-Seat Foodies.

Related Gallery: IN PHOTOS: Get to know Kapuso heartthrob Khalil Ramos