Article Inside Page
Showbiz News
Hindi lang ito isang karaniwang educational program for kids kundi isang thrilling race against time that will challenge the kiddie contestants’ physical and mental skills.
Ito ang masayang ibinahagi nina Renz Valerio, Daniela Amable, at Zyrael Jestre, hosts ng
My Chubby World Big Adventure, during a press conference last May 2.
Hindi lang ito isang karaniwang educational program for kids kundi isang thrilling race against time that will challenge the kiddie contestants’ physical and mental skills.
Ito ang masayang ibinahagi nina Renz Valerio, Daniela Amable, at Zyrael Jestre, hosts ng
My Chubby World Big Adventure, during a press conference last May 2.
“Bagay na bagay po talaga ito sa mga kids kasi marami po silang matututunan, tulad ng mga galing sa unang panahon. Tapos yung mga challenges po namin talagang magaganda po. Tagisan po talaga ng galing, lakas, at talino,” Daniela explains.
Kakaibang experience din ang bagong format para kay Renz. “Sa Season 1 po lumalabas din kami for segments. Dito [sa Season 2], parang ganun din po pero wala na kaming studio [scenes]. Enjoy pa rin po kasi kaming apat; medyo kilala na po namin ang isa’t isa,” notes 13-year-old Renz.
Hindi naman daw nahirapan ang veteran children’s television director na si Noel Añonuevo sa pagdirek sa mga batang actor. “Masaya nga [itong
Chubby World] kasi para lang kaming naglalaro. Sila naglalaro, so in a way, nakikilaro na rin ako sa kanila,” sagot ni Direk Noel.
Mga elementary students mula sa iba’t ibang eskwelahan ang maglalaban-laban sa big adventure bawat episode. Ibibigay ni Game Master Kuya Renz Valerio ang unang clue sa magiging adventure ng mga contestants at kung saan nila mahahanap ang isang nakatagong
Chubby na kailangan nilang matagpuan. Bawat isang kiddie host ay naka-assign sa iba’t ibang pit-stops na daraanan ng mga contestants. Throughout the show, the “chubby” Zyrael will also give several trivia related to the episode’s ultimate adventure.
May makakasama ring celebrity guest ang mga kiddie hosts in each episode, kabilang sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Chef Boy Logro.
Mapapanood ang
My Chubby World Big Adventure tuwing 8:30 ng umaga simula sa Sabado, May 12 sa GMA-7.