
Nilinaw ng dating action star na si Kier Legaspi na huminto lang siya sa showbiz at sa pag-arte, ngunit hindi pa siya nag-retire. Tumigil siya dahil umano sa burnout. Ito rin mismo ang dahilan kung bakit mas binabawasan na ng aktor ang pagtanggap sa mga proyekto.
“I just stopped dahil tulad nga ng mga nabanggit ko sa iba kong mga interviews, nabu-burnout ako. Pag na-burnout ako, nawawala na 'yung fire, 'yung passion ko sa pag-arte,” pagbabahagi ni Kier sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.
Dagdag pa ng aktor, bumababa ang level ng kaniyang pag-arte kapag nabu-burnout, at ayaw niyang mangyari iyon sa mga project na ginagawa at gagawin niya.
“Ang ugali ko, 'pag meron akong nagustuhan (na project), all out ako, 200 percent. Pero 'pag ako na-burnout, nawawala. Nawawala 'yung fire, nawawala 'yung interest ko sa ginagawa ko,” ani ng aktor.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAG-OPEN UP TUNGKOL SA KANILANG MENTAL HEALTH ISSUES:
Nang tanungin si Kier kung ano ang nangyayari sa kaniya pag nakakaranas ng burnout, ang sagot ng aktor, “Naging mainipin ako sa set.”
Paliwanag niya, “Dati, nung bata pa ako, bibigyan nila ako ng call time na 7 a.m.. Kukunan ako kinabukasan ng 8 a.m., wala kang maririnig sa'kin. When I was like 22 nun, 23.”
Kuwento ni Kier, dumating ang realization sa kaniya nang minsan siyang ipatawag ng 10 a.m., kahit pa kukunan ang eksena niya ng 3 p.m. at pinagsabihan ang production assistant tungkol dito.
Pag-alala ni Kier, “Then after telling that person, I realized, 'Ok, pahinga ka muna, Kier. Ano ka na e, medyo mainipin ka na. Relax ka muna.'”
Dagdag pa ng aktor, “'Yun 'yung tumatakbo sa isip ko. Parang, 'Ok, marami akong kailangan gawin. Magte-take na ba tayo? Because I have to go home, kailangan ko i-check 'yung wife ko kung anong ginagawa, kamusta 'yung bahay,' marami nang nangyayari compared nung single ako.”
Aminado rin siya na mas marami na siyang obligasyon sa buhay ngayon kumpara noong binata pa siya, kaya mas pinipili niya ang mga tinatanggap na proyekto.
“'Pag gusto ko 'yung project, 'pag gusto ko 'yung role, why not. Pero 'pag medyo alanganin ako sa project, tumatanggi na lang ako,” sabi niya.
Pakinggan ang buong interview ni Kier dito: