
Lingid sa kaalaman ng marami, dumaraan sa matinding pagsubok ang pamilya ni Kiko Estrada matapos tamaan ng malubhang sakit ang asawa ng kaniyang late grandfather na si Paquito Diaz.
EXCLUSIVE: Kiko Estrada says 'My Guitar Princess' will tackle stories that millennials can relate to
Sa panayam niya sa grand presscon ng My Guitar Princess this Thursday afternoon, April 26, naikuwento ni Kiko na na-diagnose ng pancreatic cancer ang kanyang Lola Nena.
Hindi rin daw nila inaasahan ng kaniyang ina na si Cheska Diaz nang sabihin din ng doktor na konting panahon na lang ang nalalabi para makasama niya ang pinakamamahal niyang lola.
“Kasi ‘yung Lola ko, si Lola Nena, was just recently diagnosed with pancreatic cancer, staged four advance. She’s in UST right now and I really appreciate the support of everyone. It’s really been a tough-tough couple of months, kasi sinabi nung doctor from six months to three months and last week just a month [na lang namin siya makakasama] .”
Ayon pa sa hunk actor, malaking blessing na busy siya sa My Guitar Princess at ibang shows niya dahil kahit paano ay hindi niya medyo naiisip ang problema nila sa bahay.
“So, this show has been a blessing kasi hindi ko iniisip ‘yun, kasi may trabaho ako, kasi pag mag-isa ako, ‘yun ‘yung naiisip ko. So I’m really blessed”
#BeyondTheAbs: Things You Didn't know about showbiz royalty Kiko Estrada
Matatandaan na pumanaw ang veteran actor na si Paquito Diaz noong Marso 2011.