
Trending ngayon ang Star of the New Gen na si Jillian Ward dahil sa kanyang ipinakitang wit at humor sa noontime program na It's Showtime.
Noong Martes (January 7), bumisita sa studio ang cast ng upcoming GMA Prime series na My Ilonggo Girl. Nakilaro rin si Jillian kasama si Michael Sager sa patok na segment na "And the Breadwinner Is."
Ang kanilang simpleng laro at banter, lalo na ang kulitan nina Jillian at Vice Ganda, ay nagbigay saya sa mga manonood. Isa sa mga pinag-usapan talaga ng netizens ang pagkumpara ng Kapuso aktres sa buhok ng comedian at sa isang Korean instant noodles.
"Jill bakit hindi nakulot itong part na 'to?" patawang napansin ni Vice sa buhok ni Jillian.
"Meme, kasi kinuha n'yo po lahat ng kulot," hirit ni Jillian. "Actually, gustong gusto ko po 'yung buhok n'yo po, mukhang Buldak."
"Ano 'yung Buldak? Aso ba 'yon?" tanong ni Vice.
"Mukhang ramen, ganon," patawang sagot ni Jillian.
Ang kanilang banter ay nag-viral sa iba't ibang social media platforms. Marami ang natawa sa sinabi ng Kapuso aktres at nagkomento na nilaro lang nito ang It's Showtime host.
Photo by: GMA Network FB
Umabot pa ang kanilang asaran sa mismong social media page ng Korean brand na binanggit ni Jillian. Kasama ang reshared video clip, napa "What is this?" (이것뭐예요) nalang ang brand sa kanilang post.
Labis naman ang tuwa ng netizens sa reaksyon ng Korean brand noodles. Meron pa na nagsasabi baka ito na raw ang sign na kunin si Jillian bilang brand ambassador nito sa Pilipinas.
이것뭐예요 https://t.co/8NU5BVIUyP
-- Buldak (@Buldak_Global) January 8, 2025
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Mapapanood din ang bagong GMA Prime series na My Ilonggo Girl ngayong January 13, 9:35 p.m.
Balikan ang asaran nina Jillian Ward at Vice Ganda sa video na ito: