What's on TV

Kilalanin ang viral skateboarder na si Kevin Almazan sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published June 5, 2025 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Skateboarder in Amazing Earth


Si Kevin Almazan at iba pang exciting na mga kuwento ang aabangan ngayong June 6 sa 'Amazing Earth.'

Exciting na bagong episode ang aabangan sa Amazing Earth.

Sa Biyernes (June 6), samahan natin si Dingdong Dantes sa kaniyang paghahatid ng mga bagong kuwento sa Amazing Earth.

Ipakikilala sa Amazing Earth ang award-winning and viral PWD skateboarder na si Kevin Almazan. Tampok sa episode na ito ang paguusap nina Dingdong at Kevin tungkol sa kaniyang journey sa pagiging phenomenal professional skateboarder.

Mapapanood din sa Amazing Earth si Daph in Canada a.k.a., the Pinay Crabbing Queen of Canada. Saksihan ang kaniyang fun crab-hunting videos at ang kaniyang inspiring story bilang OFW sa Great White North.

Mula naman sa wildlife series na “Deadly Australians: Forests” ay ibabahagi ni Dingdong ang kuwento ng land animals at flowers na binansagang assassins sa forests of Australia.

Abangan ang exciting na episode ng Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:30 p.m. pagkatapos ng Mga Batang Riles sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURE NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: