Article Inside Page
Showbiz News
Abangan si Lyla at ang kanyang magical underwater summer adventure sa 'Mako Mermaids,' simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!
Dahil hindi pa tayo pwedeng lumabas, ang fantasy adventure series na Mako Mermaids na ang madalala ng summer sa ating mga tahanan.
Kailangang pumunta sa lupa ng mga sirenang sina Lyla, Nixie at Sirena para bawiin ang powers na nakuha ng taga-lupang si Zac Blakely.
Si Lyla ang magsisilbing leader ng tatlo. Mainitin man ang kanyang ulo, matalino naman siya at determinado.
May pagka-loner si Lyla noon, ngunit matututo siya ng teamwork dahil sa paghahanap nila nina Nixie at Sirena kay Zac.
May mga powers siya tulad ng telekinesis at invisibility. Kaya rin niyang i-control ang anyo at temperatura ng tubig!
Siya ang pinaka nag-alangan sa pagpunta sa mundo ng mga tao. Siya rin ang pinaka alangan sa pakikipag-ugnayan sa mga tao. Ngunit magiging malapit ang loob niya kay Zac nang makilala niya ito, at mahuhulog ang loob niya rito.
Ang Australian actress na si Lucy Fry ang gaganap bilang si Lyla. Minsan na siyang napanood sa pelikulang
Vampire Academy noong 2014.
Abangan si Lyla at ang kanyang magical underwater summer adventure sa
Mako Mermaids, simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!
Samantala, kilalanin ang mga tauhan ng
Mako Mermaids sa gallery na ito: