
Get your dose of vitamin "sea" sa summertime adventure ng Mako Mermaids!
Mag-aanyong tao ang mga mermaids na sina Nixie, Lyla at Sirena para sundan sa lupa si Zac Blakely--ang binatang nakakuha ng merman powers matapos mahulog sa sagradong Moon Pool ng mga mermaids.
Sa tatlo, si Nixie ang pinaka-adventurous. Siya rin ang pinakamadalas mapahamak dahil sa kanyang kapilyahan.
Bata pa lang si Nixie ay malaki na ang kanyang interes sa mga tao at sa kanilang mundo. Libangan niyang panoorin ang mga ito, kaya naman siya ay pamilyar sa kanilang mga kinagawian.
Mapapakinabangan naman niya ito sa kanyang paglalakbay sa mundo ng mga tao kasama sina Lyla at Sirena.
Kayang i-control ni Nixie ang panahon, ngunit sa maliliit na paraan lamang tulad ng pagpapa-ulan sa kinatatayuan ni Zac o paggawa ng bagyo sa loob ng isang bote. Bukod dito, kaya rin niyang paglaruan ang anyo at temperatura ng tubig.
Si Ivy Latimer ang gaganap bilang si Nixie. Bukod sa kanyang iba't ibang television roles sa Australia, isa rin siyang TV host.
Abangan si Nixie at ang kanyang magical underwater summer adventure sa Mako Mermaids, simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!
Samantala, kilalanin ang mga tauhan ng Mako Mermaids sa gallery na ito: