GMA Logo Mako Mermaids
What's Hot

Kilalanin si Zac Blakely ng 'Mako Mermaids'

By Marah Ruiz
Published April 18, 2021 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Mako Mermaids


Abangan si Zac at ang kanyang magical underwater summer adventure sa Mako Mermaids, simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!

Let's swim and enjoy the sun kasama ang mga sirena sa Mako Mermaids.

Mako Mermaids on GMA FantaSeries


Sa isang camping trip, hindi inaasahang nahulog ang teenager na si Zac Blakely sa isang misteryosong lagoon sa Mako Island.

Ang lagoon na ito ay ang sagradong Moon Pool ng mga mermaids ng isla! At hindi inaasahang magkakaroon siya ng merman powers dahil sa kanyang paglublob dito.

Pagbalik niya sa Gold Coast kung saan siya nakatira, kailangan niyang itago ang bago niyang kapangyarihan. Bukod dito, kailangan niyang mag-ingat dahil nagkakaroon siya ng buntot kapag nababasa siya ng tubig.

Ang hindi niya alam, susundan siya nina Lyla, Nixie at Sirena--ang tatlong tagapangalaga ng Moon Pool--para bawiin ang kanyang powers.

Ano ang magiging epekto ng bagong powers ni Zac sa kanyang buhay? Matakasan kaya niya sina Lyla, Nixie at Sirena?

Ang half Thai and half Australian actor na si Chai Romruen ang gaganap bilang Zac. Bukod sa pagiging aktor, isa rin siyang dancer at athlete.

Abangan si Zac at ang kanyang magical underwater summer adventure sa Mako Mermaids, simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!

Samantala, kilalanin ang mga tauhan ng Mako Mermaids sa gallery na ito: