
Bukod sa excitement na nararamdaman ngayong bahagi na ng GMA Network ang Kapamilya noontime show na It's Showtime kung saan isa siya sa mga host, looking forward din si Kim Chiu na maka-collab ang ilang bigating Kapuso stars.
Ayon sa aktres, gusto niyang makatrabaho sina Marian Rivera, Barbie Forteza, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Ruru Madrid.
Mas bukas na rin ngayon si Kim sa iba't ibang oportunidad. Sabi niya sa interview ni Cata Tibayan sa Saksi, "Now it's time to try new things, experience new things, and do something new."
Nang tanungin kung willing siyang makatrabahong muli ang ex-boyfriend na si Xian Lim, sagot niya, "Okey lang naman. Mag-guest siya sa It's Showtime or mag-prod siya. Hindi naman kami magkaaway."
Matatandaan na Disyembre noong nakaraang taon nang kumpirmahin nina Kim at Xian ang kanilang paghihiwalay matapos ang halos 12 taong relasyon.
Samantala, mapapanood na simula April 6 ang It's Showtime sa GMA Network, Lunes hanggang Sabado, 12:00 p.m.
BALIKAN ANG NAGANAP NA CONTRACT SIGNING NG IT'S SHOWTIME SA GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO: