
“Hindi ako naimbitahan.”
'Yan ang sinabing rason ng It's Showtime host at aktres na si Kim Chiu nang tanungin siya sa kanyang vlog kung bakit wala siya sa kasal ni Maja Salvador.
Sa latest vlog ni Kim kung saan sinagot niya ang tanong ng ilan sa mga fans at followers niya, inamin niyang hindi siya naimbitahan sa kasal ni Maja na ginanap sa Indonesia.
Ang sagot ng aktres, “Hindi naman na kami sobrang close na ni Maja and hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap and siyempre, kapag kasal mo, gusto mo 'yung mga taong gusto mong nandidiyaan to witness your love sa partner mo.”
Nilinaw naman ni Kim na ok lang na hindi siya naimbithan ng Open 24/7 actress sa kanyang kasal, at ipinahayag kung gaano siya kasaya para sa dating kaibigan.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LITRATO SA KASAL NINA MAJA AT RAMBO SA GALLERY NA ITO:
Dagdag pa ng aktres na minessage nila ang isa't-isa, at sinabing na-touch siya nang mag-message si Maja tungkol sa kanyang ate nang ma-ospital ito sa mismong birthday ni Kim noong Abril.
“Na-touch din ako nung minessage niya ako dahil dun sa nangyari sa ate ko. Sabi niya pinagpe-pray niya daw 'yung ate ko and then sana daw ok lang ako,” kuwento ni Kim.
Ayon kay Kim, hindi importante kung imbitado siya o hindi at ang mahalaga para sa kanya ay masaya siya para sa dating kaibigan at sinabing deserve ni Maja at ng asawa niyang si Rambo Nuñez ang isa't-isa.
Dagdag pa ng It's Showtime host, “Issue pa 'yun. Bakit, 'pag dating ko ba dun, e hihinto ang kasal? Hindi naman na siguro ako magma-matter kung present o hindi as long as happy ako na nahanap nila 'yung forever.”
Sa huli ay nag-iwan ng maiksing mensahe si Kim para sa bagong kasal, “Kaya congratulations, Mr. and Mrs. Nuñez.”
Panoorin ang buong sagot ni Kim sa vlog niya dito: