GMA Logo Kim Chiu
PHOTO COURTESY: chinitaprincess (Instagram)
What's Hot

Kim Chiu reveals what she learned about love

By Dianne Mariano
Published June 19, 2024 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Mavs' Cooper Flagg to face college foe, Warriors on Christmas
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chiu


Ano kaya ang natutunan ng versatile actress at 'It's Showtime' host na si Kim Chiu tungkol sa pag-ibig?

All smiles at looking radiant ang It's Showtime host na si Kim Chiu sa naganap na media conference ng isang business app, kung saan ang aktres ay ang first-ever brand ambassador nito.

Puno ng excitement ang naramdaman ng Chinita beauty nang malamang siya ang kauna-unahang brand ambassador ng BillEase dahil aniya'y “very now” at very updated ang naturang app, lalo na ngayong halos online at puwede ng gawin sa cellphone ang lahat.

Kim Chiu is the first ever brand ambassador of BillEase

PHOTO COURTESY: GMA Network

Sandaling nakapanayam ng press ang actress-host matapos ang naturang event na idinaos sa Luxent Hotel sa Quezon City. Isa sa mga tanong para kay Kim ay tungkol sa kanyang trending na skydiving sa Dubai.

“Fifth skydiving ko na siya. So isa 'yan sa bucket list ko, 'yung tumalon talaga sa Dubai. Ginawa ko siya bago umuwi kasi masikip na talaga 'yung time pero pinilit ko talaga. Nag-7:00 a.m. jump ako so okay naman,” kuwento niya.

Ayon pa kay Kim, na-enjoy niya ang experience na ito at hindi siya takot sa heights.

Natanong din ang versatile Kapamilya star kung ano ang kanyang learning tungkol sa pag-ibig.

Aniya, “Installment lang natin ang pagbigay ng love. Hindi 'yung buo.”

Samantala, subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NI KIM CHIU SA GALLERY NA ITO: