
Ipinagdiwang ng actress-host na si Kim Chiu ang kanyang kaarawan sa noontime variety program na It's Showtime ngayong Lunes (April 20).
Sa opening ng naturang programa, naghatid ang Chinita beauty ng pangmalakasang dance at song performance at nakatanggap siya ng papuri mula sa kanyang co-hosts dahil sa kanyang birthday prod.
Tinanong naman ni Karylle si Kim kung ano ang "ultimate birthday wish" nito at naging emosyonal ang huli nang ibahagi ito.
"My ultimate birthday wish is ultimate happiness," aniya.
Dagdag niya, "I'm so happy, I'm so grateful dahil everyday binibigyan n'yo 'ko ng chance to redeem myself and to be better in front of madlang people. Kahit ano'ng ibato sa akin, lumalakas ako."
"Wala talagang perfect pero binibigyan n'yo 'ko ng paulit-ulit na pagkakataon. Sa ABS, sa Showtime, sa lahat ng nagtitiwala at nagmamahal sa akin though hindi ako super galing in everything I do, pero paulit-ulit nila akong sinusuportahan. Kaya I reach my ultimate happiness because of you."
Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang 36th birthday nitong April 19. Sa Instagram, ibinahagi ng aktres na ngayong taon ay pinipili niya ang "courage over fear, growth over comfort, and gratitude over everything."
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: All the photos of Kim Chiu that prove she's a sexy and stunning lady