
"Ang hirap ng walang tatay. Parang kulang..." - Kim Domingo
By GIA ALLANA SORIANO
Sa interview ng internet sensation turned Kapuso star sa 24 Oras, naikuwento ni Kim Domingo kay Nelson Canlas ang mga hirap na pinagdaanan niya sa buhay bago siya makapasok ng showbiz.
Ika niya, “'Yung mom ko tsaka 'yung lola ko talaga 'yung nagpalaki sa akin, so naging maayos naman 'yung pagpapalaki nila. Although, syempre, ang hirap din ng walang tatay. Parang kulang nga, feeling mo sa sarili mo may kulang talaga, eh. Dahil di mo nakita 'yung tatay mo.”
Dahil din sa financial problems ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang dating Dentistry student. Aniya, “Gustong gusto ko mag-aral pero wala talagang pera pang-aral.”
Ngayon, unti unti nang naaabot ni Kim ang kanyang mga pangarap. Mapapanood na rin ang 21-year-old model sa Juan Happy Love Story bilang Agatha Samaniego.
MORE ON KIM DOMINGO:
READ: Kim Domingo is a certified Facebook millionaire!
READ: Kim Domingo lands another big break in 'Juan Happy Love Story'