
Isang masayang kuwentuhan at kulitan ang handog ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (November 13) dahil ang guest star ay ang Bubble Gang babe at COVID-19 survivor na si Kim Domingo.
Ibinahagi ng Kapuso actress sa interview segment na “May Pa-Presscon” ang kasalukuyang relationship status nito at siya raw ay “single but happy.”
Photo courtesy: YouLOL (YouTube)
Dagdag na tanong naman ni TBATS host Tekla ay kung handa na ba muli ang puso ni Kim na umibig.
“Sa ngayon, hindi pa,” ani ng aktres.
Nang tanungin ang Kapuso star tungkol sa hinahanap nitong katangian sa isang lalaki, sagot niya, “Actually, wala naman talaga akong.. Kumbaga 'yung parang kailangan kapag naka-meet ako ng lalaki ganito. Pero mayroon akong gusto pero syempre kung ano ang ibigay ng Diyos.. Syempre kapag nagmahal tayo di natin alam kung sino 'yan.”
Hindi naman nakatakas sa maiinit at nakakaintrigang mga tanong ang aktres sa segment na “Sasagutin o Kakainin.”
Unang tinanong sa aktres ay kung sino sa Bubble Gang actors ang nagtangkang manligaw sa kanya noon.
“Mayroon pero syempre hindi ko sasabihin kung sino,” sagot ni Kim na ayaw ilahad kung sino ang aktor na ito. Nakaisip naman ang show ng isang paraan upang malaman kung sino nga ba itong nanligaw sa aktres noon sa pamamagitan ng mga larawan.
Ipinakita ang photos nina Archie Alemania, Antonio Aquitania, Boy2 Quizon, Betong Sumaya, Jak Roberto, Mikoy Morales, Paolo Contis, at Sef Cadayona.
Tinanong muli si Kim kung nasa larawan bang ipinakita ang aktor na nagtangkang makuha ang kanyang puso at umoo naman ang aktres.
Dahil nasagot niya ito, bumunot si Kim ng isang pangalan mula sa Team TBATS na kakain ng hinandang dugo ng manok shake at ito'y si Boobay.
Sa isang vlog ng aktres, kung saan naglaro ito ng “Jojowain o Totropahin,” tatlo sa sinabing “jojowain” nito ay sina Dennis Trillo, Coco Martin, at Piolo Pascual.
Kaya naman tinanong ang Bubble Gang babe kung sino sa tatlo ang tingin niya ay ang ______ at sinagot nito ay si Coco Martin.
Muling bumunot si Kim ng pangalan para kainin ang testicle ng kalabaw at ito'y si KitKat ngunit nakaligtas ito dahil sa isang twist sa laro at bumunot pa ng ibang tao.
Sa huli, sina Ian Red at Tekla ang kumain ng exotic na putahe na ito.
At syempre bago matapos ang masayang gabi, isang masayang celebration ang naganap nang ipagdiwang ang ika-35 na kaarawan ni Boobay kasama sina Tekla at Mema Squad.
Iba't ibang sorpresa naman ang inihanda ng TBATS team para sa komedyante gaya na lamang ng pagpapakita ng throwback photos nito at nakatutuwang birthday messages mula sa kanyang minamahal na mga kaibigan.
Ang saya 'di ba? Abangan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, muling silipin ang sexiest photos ni Kim Domingo rito: