
Masaya at game na nakipagkuwentuhan ang Sparkle actor na si Kim Ji Soo sa pagbisita sa pilot episode ng pinakabagong talk show na KALURKS!
Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang maging Sparkle artist si Ji Soo noong August 2024.
Nang tanungin ng host na si Ashley Rivera kung ikinokonsider niya na rin ang sarili na Pinoy at heart, nakangiting sagot ni Ji-soo, "In my heart is already Pinoy."
"Ang galing," masayang dagdag niya. "It's been actually two years. I feel like now is like my second home here."
Ipinamalas din ni Kim Ji-soo ang ilang Filipino words na kanyang natutunan.
"Kaunti lang. Like, 'Ang ganda mo,'" sabi niya habang nakatitig kay Ashley.
Hindi namang napigilan ng aktres na mapasigaw at kiligin nang sabihin ito sa kanya ni Ji Soo.
"Huwag kang ganyan. Marupok ako," pabirong sabi ni Ashley.
Sa pakikipagkuwentuhan, sinabi rin ni Ji Soo na "very open" siya to date a Filipina.
Samantala, abangan si Kim Ji-soo sa Love, Siargao, simula September 28 sa GMA Prime.
Mapapanood naman ang KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
Panoorin ang unang episode ng KALURKS! dito:
Related gallery: Meet the Kalurker trio of GTV's newest talk show 'KALURKS!'