
Isang linggo na lang ang nalalabi sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Dahil dito, naging sentimental ang isa sa lead stars ng serye na si Kim Ji Soo.
Ilang beses na ring nabanggit ni Ji Soo na espesyal ang programa para sa kanya dahil ito ang unang pagkakataon kung saan regular siyang bahagi ng cast at hindi isang guest star.
Image Source: actor_jisoo (IG)
Nagbahagi siya ng ilang mga paborito niyang behind-the-scenes photos mula sa taping ng Never Say Die.
"Never say die.
"Some stories don't end — they stay with you.
"Standby! Salamat karajaw," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Ayon naman sa isa pang lead star na si Star of the New Gen Jillian Ward, talagang magiging exciting ang mga aksiyon at rebelasyon sa huling linggo ng kanilang programa.
"Full force na po talaga 'yung ginagawa namin ngayon. Full force na 'yung effort, lahat lahat. Na-excite din po ako sa kalalaban kasi mas intense na po 'yung scenes, mas intense na lahat," paliwanag ng aktres.
Panoorin ang huling tirada ng action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.