GMA Logo TiktoClock
What's on TV

Kim Perez, naramdaman ang sincerity sa makaka-date sa 'Love Under Cover ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published March 4, 2025 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
What are ‘basic necessities’ and ‘prime commodities’? Here’s what consumers need to know
The Thinkers On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock


Si Kim Perez ang nakahanap ng kaniyang makaka-date sa “Love Under Cover” ng 'TiktoClock.'

Si Kim Perez ang bagong Kiligspector na naghanap ng makaka-date sa “Love Under Cover” ng TiktoClock.

Ang Sparkle heartthrob na si Kim ang sumabak sa kilig segment ng TiktoClock nitong March 4. Payo ni Kim sa mga sumabak na Covered Girls sa “Love Under Cover,” "Enjoy lang at maging totoo lang sila kasi number one 'yun sa akin."


Pagkatapos ng pagpapakita ng kanilang moves, pagsagot ng mga tanong, at pakiramdaman with Kim, pumili ang aktor ng kaniyang makakasama sa isang date. Ito ay ang Covered Girl number four na si Kyle.

Saad ni Kim, "Kaya siya nag-stand out sa akin kasi ang gaganda ng mga sagot niya. During the selection kasi naramdaman ko 'yung sincerity niya, na totoo siya. Sa tingin ko magkaka-jive kami."

Balikan ang nakakakilig na “Love Under Cover” kasama si Kim Perez dito:


SAMANTALA BALIKAN ANG GUWAPO SHOTS NI KIM DITO:

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.