GMA Logo Kim Perez
What's on TV

Kim Perez on first series 'Hearts on Ice': 'Sana ito 'yung big break sa akin na makilala ako ng mga tao'

By Aimee Anoc
Published October 6, 2022 6:38 PM PHT
Updated January 27, 2023 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Perez


Kabilang ang Sparkle actor na si Kim Perez sa cast ng first Filipino figure skating series na 'Hearts on Ice.'

Handa na si Kim Perez na maipakita ang galing sa pag-arte sa kauna-unahan niyang serye sa GMA, ang Hearts on Ice.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Kim sa naganap na story conference ng serye noong Martes, October 4, excited ang aktor para sa unang role na gagampanan niya sa isang serye.

"First time kong ma-cast sa isang serye rito sa GMA, sobra-sobra akong excited kasi gusto kong ma-showcase kung ano 'yung kaya ko sa acting," sabi ni Kim. "Excited [din] ako sa mga kasama ko rito like Roxie [Smith], Ruiz [Gomez], Skye [Chua], and syempre sa mga batikan na rito like sina Xian [Lim], Ashley [Ortega], at iba pa."

Kabilang si Kim sa 17 young artists na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center sa pamamagitan ng Sparkada noong April 2022. Bilang baguhan sa showbiz, umaasa si Kim na maging "big break" ang Hearts on Ice. Aniya, "Sana ito 'yung big break sa akin na makilala ako ng mga tao."

Ayon kay Kim, sumalang siya sa matinding acting workshop bilang paghahanda sa kanyang karakter sa serye.

"Nagbigay ako ng time sa acting workshop. Talagang nagbabad ako roon... kay Ms. Ana Feleo sobrang thankful ako [kasi] nakikita ko 'yung growth ko sa acting," pagbabahagi ng aktor.

Inaanyayahan din ni Kim ang lahat na abangan ang magandang kuwento ng first Filipino figure skating series na Hearts on Ice, na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.

"Abangan n'yo kasi talagang maganda 'yung story. 'Yung character ko rito medyo may slight na [pagkakapareho] sa personality ko. Abangan n'yo kung ano 'yung magiging [role] ko sa buhay ni [Ponggay], sa story."

Bukod kina Ashley at Xian, makakasama rin ni Kim sa serye sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Ruiz Gomez, at Roxie Smith.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE' DITO: