
Hindi inaasahan ni Sparkle actor Kim Perez na marami ang magmamahal sa karakter niya bilang Bogs sa Hearts On Ice.
Marami ang patuloy na humahanga sa epektibo niyang pagganap bilang Bogs, ang isa sa best friends ni Enzo (Xian Lim) at admirer ni Ponggay. Kahit na ito ang kauna-unahan niyang serye ay agad nang nakitaan si Kim ng husay bilang isang aktor.
Dahil sa kilig na ibinibigay niya sa Hearts On Ice, marami na rin ang isini-ship ang karakter niya kay Ponggay (Ashley Ortega).
"Nakakatuwa kasi 'di ko ini-expect na mamahalin nila 'yung character kong Bogs sa Hearts On Ice, kuwento ni Kim sa GMANetwork.com.
Dagdag ng aktor, "Medyo kabado pa ako nu'ng una kasi may pangalan na sa industry at magaling na actor si Xian Lim na magiging ka-rival ko sa story. Para sa akin, sign 'yun na nabigyan ko ng justice 'yung ibinigay nilang role sakin, na sobrang pinapasalamatan ko, especially sila Ms. Darling Torres, Ms. Edlyn Abuel, at Direk Dominic Zapata, na binigyan nila ako ng pagkakataon na ipakita 'yung galing ko sa pag-arte."
Ayon kay Kim, "Thankful ako na may mga sumusuporta sa Team Bogs. Ang cute kasi nakikilala akong Bogs ng mga Kapuso natin. 'Tapos kadikit nun, may mga matcha na comment na lagi nilang kino-comment sa akin. Para sa akin bukod sa acting, matcha rin talaga 'yung nakatulong sa akin na tumatak sa viewers.
"At kinikilig din ako sa mga good comments na nare-receive ko na may chemistry rin kami ni Ashley Ortega. Looking forward na sana makatrabaho ko ulit siya sa isang serye or movie," pagbabahagi ng aktor.
Pag-amin ni Kim, noong una ay medyo "intimidating" sa kanya si Ashley. "Kasi mostly ng mga character niya sa serye kontrabida. Minsan kinakainisan natin, na opposite pala in real life. Kasi napaka-sweet ni Ashley, magaan katrabaho, at higit sa lahat napakabait niya kagaya rin ni Pongay sa Hearts On Ice.
Dapat daw abangan ng Hearts On Ice viewers kung maaayos pa nga ba ang pagkakaibigan nila ni Enzo at kung sino ang makakatuluyan ni Ponggay sa serye.
"Pero siyempre, patuloy po tayong tumutok kung paano malalampasan ni Ponggay ang mga pagsubok niya sa buhay. At kung paano niya makakamit ang kanyang pangarap," sabi ni Kim.
Subaybayan si Kim bilang Bogs sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
BASAHIN ANG REAKSYON NG NETIZENS TUNGKOL KINA BOGS AT PONGGAY SA GALLERY NA ITO: