
Bukod sa dream role na bumida sa isang figure skating series, na ngayon ay nabigyang katuparan na sa Hearts On Ice, marami pang mga karakter ang gustong subukan ng versatile actress na si Ashley Ortega.
Kuwento ni Ashley, gusto niya ring sumabak sa isang mentally challenging na role tulad ng pagkakaroon ng split personality.
"Actually, marami pa akong gustong gawin. Pero sa ngayon ang pinakagusto kong gawin is parang 'yung may split personality, para ma-challenge 'yung pagiging aktres ko," pagbabahagi ng aktres sa TikTok Live ng cast ng Hearts On Ice kasama sina Ina Feleo, Roxie Smith, at Shuvee Etrata.
Dagdag niya, "And aside from that, gusto ko ring mag-action. Gusto kong maging mermaid, gusto kong maging superhero, 'yung mga ganu'n."
Ngayon, marami ang napapahanga ni Ashley bilang Ponggay sa Hearts On Ice, kung saan gumaganap siyang isang figure skater na mayroong leg impairment.
Kasama niyang nagbibigay inspirasyon sa serye ang multitalented actor na si Xian Lim at ang batikang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, at Cheska Iñigo.
Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA SUMABAK SA MENTALLY CHALLENGING ROLES SA GALLERY NA ITO: