GMA Logo Kimson Tan
Source: Kimson Tan (IG)
What's Hot

Kimson Tan shares his inspiration in joining showbiz

By Aimee Anoc
Published November 10, 2021 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kimson Tan


"Honestly, I never saw myself in this industry kasi basketball player ako before." - Kimson Tan

Isa sa pinakabagong aktor ngayon ng GMA si Kimson Tan. Noong August, napanood natin si Kimson bilang si Police Officer Dave Mendoza sa “Captain Barbie” episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Sa press interview, ibinahagi ni Kimson kung paano siya nakapasok sa showbiz at ang inspirasyon para ipagpatuloy ito.

Ayon sa aktor, noong una ay hindi niya nakita ang sarili sa pag-aartista dahil pagba-basketball na ang kanyang naging buhay.

"Honestly, I never saw myself in this industry kasi basketball player ako before. My life was talagang paggising nasa utak ko basketball, NBA, kumbaga basketball lang,” kuwento niya.

"Pero nag-sign ako ng management contract with my management right now kasi it's a sport agency so more on sport talaga then one of our bosses and my manager asked me if I wanna try showbiz. So parang ako, 'Okay sige, I wanna try it,'" pagbabahagi ni Kimson.

Bago maging isang ganap na aktor, nagsimula si Kimson sa pagiging isang modelo. Hanggang siya ay mabigyan ng break na mapasama sa Boys Love series na “In Between” na pinagbidahan ng bagong Kapuso na si Migs Villasis noong 2020.

"Eventually noong nasubukan ko s'ya... at first it was modeling, gigs lang and noong na-experience ko talagang umarte 'yun 'yung nag-push talaga na ang saya palang maramdaman 'yung iba't ibang feeling. Ang saya palang makita 'yung sarili mo sa tv, ang saya palang makatrabaho 'yung iba't ibang klase ng tao, makakilala ng iba't ibang tao,” dagdag pa niya.

Naging ganap na Kapuso si Kimson noong Pebrero matapos na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Samantala, kilalanin pa si Kimson Tan sa gallery na ito: