What's Hot

"Kinabahan na naman si ako" – Daddy Bae Richard Faulkerson, Sr. on watching Kalye-serye

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 8:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Tila hindi na mawawala ang kaba kay Daddy Bae Richard Faulkerson, Sr. tuwing nanonood siya ng Kalye-serye sa Eat Bulaga.


By CHERRY SUN

Tila hindi na mawawala ang kaba kay Daddy Bae Richard Faulkerson, Sr. tuwing nanonood siya ng Kalye-serye sa Eat Bulaga.

Sa episode ngayong araw (December 14), nag-practice bilang mag-asawa at magulang sina Alden Richards at Maine Mendoza kasama ang anak ng Sugod Bahay winner. Tinuruan ni Alden na magsambit ng "daddy" at "mommy" ang one-year-old baby. Nagpanggap din sila na kunwari ay papasok na sa opisina ang Pambansang Bae at iiwan ang kanyang mag-ina sa bahay.

WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, may baby na?

Tanong ni Joey de Leon, "Ano pangalan ng baby niyo, Maine?"

"Charmaine po. Richard tsaka Nicomaine, Charmaine," ang naging mabilis na sagot ng Kalye-serye darling, gamit ang pinagsamang tunay na pangalan nila ng Pambansang Bae.

Dahil sa ganitong takbo ng biruan ay muling kinabahan si Daddy Bae. Sulat niya sa kanyang Twitter, "Usapang bata. Kinabahan na naman si ako, wag ganun!"
 

Dati ay kinabahan na rin si Faulkerson, Sr. dahil sa mga biruan nina Maine at Alden tungkol sa kanilang tunay na relasyon.