
Pansin ang magandang samahan ng magkasintahang sina Kiray Celis at Stephan Estopia nang sumabak sila sa “My boyfriend does my make-up” challenge habang nagkukuwento ng kanilang love story. Pero ang tanong ng komediyante, ang ginagawa kaya nilang make-up ay mauwi sa break-up?
Mapapanood sa January 8 vlog ni Kiray ang ginawa nilang challenge ng kanyang non-showbiz boyfriend. Habang mine-make-upan siya ni Stephan ay sinasagot din nila ang mga katanungan at mensaheng natanggap nila mula sa kanilang fans.
Bilang panimula, ikinuwento nina Kiray at Stephan kung bakit “babies” ang tawag nila sa kanilang mga tagasuporta.
Sambit ng Owe My Love star, “Bakit nga ba babies ang tawag namin sa inyo? Kasi ang tawagan namin sa isa't isa ay “mommy” at “daddy.” Ewan ko kung bakit ganun… Kasi noong hindi pa kami, nagpaparinig siya. Sabi, ''Pag nagka-jowa ako, gusto ko tawagan namin “mommy” at “daddy.” Sabi niya “mommy” at “daddy” para pang forever na. Ganern. Ewan ko, noong naging kami, 'yun na 'yung tawagan namin sa isa't isa. So since siya si daddy, ako si mommy, tatawagin namin kayo ng aming mga babies.”
Kabilng sa kanilang sinagot ay ang madalas iniisip ng publiko tulad ng kung paano sila nagkakilala.
Pagbabalik-tanaw ni Kiray, “Best friend siya ng kapatid ko for 10 years. And then, since get[ting] to know us naman 'to, hindi talaga kami nag-uusap every time na nagkikita kami, as in hindi talaga. Pero, magkakilala kami. Lagi kasi siya dito sa bahay namin, sa lumang bahay pa namin hanggang eto na, sa sarili naming bahay lagi siyang pumupunta.”
Nang minsang maglaro sila ng Mobile Legends o ML ay doon na nagsimula ang kanilang connection.
Patuloy ng komediyante, “Meron akong boyfriend na medyo matagal tapos naging single ako. Tapos nakalaro ko siya after two months ata ng paka-single ko. Nag-ML kami. Parang may isang laro, ang sakit ng pagkatalo namin. Lumalaban na kami sa gitna tapos wala na pala kaming tore. Ang sakit talaga. Parang panalo na pero natalo pa. Tapos sabi niya sa akin, 'Okay lang matalo sa laro, 'wag lang sa pag-ibig.'”
Maliban dito, ilan pa sa mga katanungang kanilang natanggap ay kung umabot na ba sila sa puntong gusto na nilang maghiwalay, ano ang kanilang pinag-aawayan, kailan nila balak magpakasal, kung naisip ba nilang may hangganan lang ang kanilang pagsasama, at kung sino ang unang nagsabi ng “I love you.”
Matapos ang kanilang ginawang Q&A, ipinasilip na rin ni Stephan ang final look ng kanyang kasintahan. Mag-away kaya sila dahil dito?
Panoorin ang kanilang nakakatuwang vlog dito:
December 2019 nang ipinakilala ni Kiray si Stephan bilang kanyang nobyo sa publiko.
Samantala, kilalanin ang ilan pang lalaking naging bahagi ng buhay ni Kiray sa gallery sa ibaba: