Celebrity Life

Kiray Celis at Buboy Villar, sumabak sa jowa challenge

By Cherry Sun
Published February 9, 2021 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cop shot dead by subject of buy-bust in Bacolod
Saksi Livestream: April 10, 2026
Letran Lady Knights are the NCAA S101 women's volleyball champs

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis at Buboy Villar


Magpapanggap na magnobyo at magnobya ang 'Owe Love' co-stars na sina Kiray Celis at Buboy Villar. Kiligin ka kaya sa tambalan nila? Watch this!

Sumabak sa jowa challenge ang Owe My Love love team nina Kiray Celis at Buboy Villar.

Kiray Celis at Buboy Villar

Para sa kanyang bagong vlog, inimbitahan ni Kiray na magpanggap bilang kanyang boyfriend si Buboy. Ngunit sa halip na 24 hours, 20 minutes lamang daw nila gagawin.

“20 minutes lang kasi masyado nga matagal, medyo mahirap para sa akin. Gipit lang talaga ako,” birong paliwanag ng aktres.

Kuwento rin nila, kampante sila sa isa't isa dahil magkaibigan na sila mula pagkabata at may tiwala rin ang nobyo ni Kiray na si Stephan Estopia sa kanilang dalawa.

Ani Kiray, “Bata pa lang kami magkakilala na kami kaya 'yung mga biruan talaga namin, talagang wala na 'yun sa amin. Kasi totoo lang din naman talaga 'yung sinasabi ko.”

Pagsang-ayon ni Buboy, “Oo 'tsaka talaga, siyempre 'pag may problema ako, sinasabi ko sa kanya kasi kailangan ko ng kaibigan na totoong magsalita at si Kiray 'yun.”

Bilang magnobyo at magnobya, holding hands na namasyal ang dalawa sa set ng Owe My Love. Hiningan din nila ng suggestion ang kanilang co-star na si Jelai Andres sa magiging term of endearment nila.

Matapos maglibot, sumalang sila sa isang Q&A tungkol sa pag-ibig. Ikinuwento nila kung paano nila nalalamang nahuhulog na ang loob nila sa isang tao, ang kanilang advice kaugnay sa single parents, at iba pang love advice.

Panoorin ang kanilang video sa itaas.

Hindi man totohanan ang kanilang jowa challenge, mapapanood pa rin ang love team nina Kiray at Buboy sa Owe My Love simula February 15. Gaganap ang aktres bilang si Everlyn o Evs habang gaganap naman ang aktor bilang si Agwapito o Gwaps para buuin ang tambalang #EvAps.

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Samantala, kilalanin ang iba pang lalaking bahagi ng buhay ni Kiray sa gallery sa ibaba: