
Fresh sa kanyang mga TV projects, abala rin ngayon ang aktres na si Kiray Celis sa pagpapatakbo ng kanyang sariling negosyo.
Priority raw ng aktres ngayong taon ang makaipon para sa pamilya at sa kanyang sarili. Parte na raw rito ang pag-i-invest sa mga bagay na lumalaki ang halaga habang tumatagal gaya ng ginto.
Sa Instagram, ipinost ni Kiray ang kanyang bagong bili na gold necklace na may initial na "K" mula sa kanyang pangalan.
"Aside sa mga binili kong lot at ginawang paupahan, isa sa mga binibili at hilig ko rin ang GINTO,” sabi niya.
"Habang tumatagal, mas lalong nagmamahal. Hindi kagaya ng jowa mo na sawa na sa katoxican mo. Eme! AHHAHAHAHAHAHA!" kuwelang caption ni Kiray sa kanyang post.
Sa isang panayam sa GMANetwork.com, sinabi ng young comedienne na nag-iipon na siya bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan, kasama na rito ang plano ng pagbuo ng sariling pamilya.
"Para ready na rin ako na kung ano man ang mangyari sa sarili ko and kung gusto ko na magka-family balang araw ay ready ako, mayaman na ako kapag nagka-anak ako," ani Kiray.
Samantala, mas kilalanin pa si Kiray sa gallery na ito: