
Maraming naging trending kilig moments ang Stories from the Heart: Love On Air star na si Kiray Celis at ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia ngayong taon, gaya na lamang ng pagpapa-tattoo ni Stephan ng mga mata ni Kiray sa kaniyang dibdib na talagang kinagiliwan ng netizens.
Sa kanilang second anniversary, may nagbigay ng nakakakilig na mensahe si Kiray para sa kaniyang boyfriend. Sa Instagram, ipinost ng aktres ang larawan nila ni Stephan habang buhat siya nito sa isang beach.
"Bago matapos itong araw nato, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia," mensahe ni Kiray.
Nagpasalamat din ang young comedienne sa pagmamahal at suporta na patuloy na ibinibigay sa kaniya ni Stephan.
Aniya, "Maraming salamat sa pagmamahal, respeto, katapatan, tiwala, suporta at pagaaruga. Mahal na mahal kita!."
Mapapanood naman si Kiray kasama sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa finale week ng Stories from the Heart: Love On Air, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, silipin naman ang ilan pang kilg moments nina Kiray at Stephan sa gallery na ito: