
Dahil halos dalawang buwan nang namamalagi sa bahay ang publiko dahil sa enhanced community quarantine, marami ang gumawa na ng kani-kanilang paraan para malabanan ang pagkaburyo.
Hindi ligtas sa boredom ang mga celebrities dahil kahit sila ay gumawa na ng mga online content para mabawasan ang pagkainip at para na rin patuloy na makapag-reach out sa fans.
Isa na riyan si Kapuso actress Kiray Celis na naglunsad ng mala-mini show online kung saan tampok ang kanyang pamilya at boyfriend na si Stephan Estopia.
Nagpo-post sila ng online dance covers, comedy scenes at pick up line gamit ang video sharing app na TikTok.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Kiray ang tungkol sa paggawa nila ng naturang online content.
“Sa akin po, nakuha 'yung idea na after nu'ng sayaw, e, mayroon kaming sketch or comedy pick-up lines kasi feeling ko parang kailangan sa haba ng video, dapat ma-maintain namin na panoorin kami nang mahaba ng mga tao.
“Naghanap talaga ako sa TikTok ng pinaka nakakatawa na kapag napanood ko, mismong ako natatawa,” aniya.
Dagdag pa niya, mas gusto niyang lumang sayaw ang ikino-cover dahil ayaw niyang sumabay sa mga nauuso ngayon.
“Ang sayaw namin more on lumang sayaw, e. 'Asereje,' 'Hey yah,' 'Di kami gumaya sa ibang steps kasi sabi ko para unique kami,” aniya.
Inamin din ng aktres na bagamat tampok din sa videos niya ang Papa niya, hindi naging madali para sa kanya ang pilitin ito.
“Nahirapan talaga ako kay Papa kasi ayaw mag-video ng Papa ko. Pero nagulat ako, kapag pinanood n'yo 'yung video, mukhang hindi naman siya napilitan du'n sa ginawa niya,” sabi pa niya.
Pagdating naman kay Stephan na laging kasama sa covers niya, “'Yung boyfriend ko, wala siyang choice,” biro ni Kiray.
“Wala siyang choice kasi magagalit talaga ako. Pero sobrang supportive ng boyfriend ko, parang kung ano'ng gagawin namin ng family, kung anong gusto ko talagang ginagawa niya basta mapasaya ako.”
Kiray Celis at ang jowable niyang boyfriend
Panoorin ang buong 24 Oras report: