
Isa si Kiray Celis sa mapapanood sa kaabang-abang na family drama series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Related gallery: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye
Labis ang tuwa at pasasalamat ng Kapuso actress nang malaman na bahagi siya ng nasabing serye.
“I'm very happy and, at the same time, very thankful, of course, because it's a new show and it's a different show na alam ko na magugustuhan n'yo and iba 'yung atake, iba 'yung genre. So excited po ako,” aniya sa interview ng GMANetwork.com.
Ayon pa kay Kiray, na-excite at kinilig siya nang malaman na si Zig Dulay ang direktor ng programa at makakasama niya rito ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian.
“Noong nalaman ko na si Direk Zig, of course, I'm very excited kasi nakatrabaho ko na si Direk. So alam ko na kung paano siya kausapin and sobrang light lang talaga nung first [project] na ginawa namin ni Direk, and lighter pa pala talaga ito.
“Tapos siyempre, noong nalaman ko na si Ms. Marian [Rivera], sobrang kinilig ako kasi syempre parang karamihan sa mga artista dream talaga na makatrabaho siya,” kuwento niya.
Bukod dito, masaya si Kiray sa taping ng serye dahil sa bond na mayroon sila ng kanyang co-stars. Katunayan, nakahanap pa siya ng “kapatid” mula sa content creator na si Christian Antolin.
“Lagi ko sinasabi 'to kay Christian, hindi ako talaga naghahanap ng kaibigan noong na-meet ko siya. Pero sa totoong buhay, kahit hindi kami nagte-taping, magkasama kami. Nasa bahay siya, nanonood kami ng sine, kumakain kami. Aside sa show na 'to, nakahanap din talaga ako ng kapatid. Alam mo 'yon, add-on kapatid,” saad niya.
Patuloy niya, “Naging ka-close namin si Marian so super happy kami naging kaibigan namin siya. Si Papa Gabs [Concepcion], nakasama ko na rin siya sa movie so happy din ako na nag-reunite [kami]. And si Doy, sobrang cute niya na bata. Si Rap [Landicho], sobrang love namin siya, sobrang cute niya. And everyone, sobrang game na game lang talaga.”
Abangan ang My Guardian Alien sa GMA Prime.