GMA Logo Kiray Celis
Celebrity Life

Kiray Celis, nakapagpundar ng bagong bahay?

By Cherry Sun
Published April 6, 2021 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis


May exclusive house tour si Kiray sa kanyang YouTube channel!

Isang exclusive house tour ang ibinahagi ni Kiray Celis sa kanyang YouTube channel. Nakapagpundar na nga ba ng kanyang dream home ang Owe My Love actress?

Bumiyahe patungong Tagaytay si Kiray kasama ang kanyang buong pamilya at boyfriend na si Stephan Estopia. Dito raw sa bahaging ito ng Cavite nakatayo ang kanyang bagong bahay.

Sa pamamagitan ng kanyang vlog, ipinasilip ng komediyante ang kanilang bed rooms, kitchen at dining area, at pati na ang balcony na may magandang tanawin at preskong hangin. Pero, nang kanya nang tinatapos ang pagre-record, di inaasahang sumingit ang kanyang ama at sinabing kailangan na nila mag-checkout. Ang buong pangyayari, isa lamang palang prank.

Wika ni Kiray, “Okay babies, it's a prank. Hindi namin ito bahay dahil resthouse ito. Ni-rent lang namin itong resthouse. At kung gusto niyo ring pumunta rito sa napakagandang tanawin na 'to, pumunta kayo dito. Located ito sa Tagaytay. Hindi amin 'to. It's a prank.”

Panoorin ang kanyang vlog dito:

Funny talaga si Kiray at sexy pa! Silipin ang bikini photos ng komedyante rito:

Samantala, kilalanin ang celebrities na nagpapagawa ng bahay ngayong quarantine sa gallery sa ibaba: