GMA Logo Kiray Celis boyfriend Stephan Estopia
What's Hot

Kiray Celis, napaiyak ang kanyang boyfriend sa ginawang cheating prank

By Cherry Sun
Published January 20, 2021 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis boyfriend Stephan Estopia


Napaniwala ni Kiray Celis ang kanyang nobyong si Stephan Estopia na may nangyari sa pagitan niya at ng kanyang Owe My Love co-star na si John Vic De Guzman.

Napuno ng emosyon ang dapat sana'y katuwaan lamang na prank vlog na ginawa ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Hindi kasi napigil maiyak ng kanyang nobyo matapos mapaniwala ng komediyante na nakipaghalikan siya sa kanyang Owe My Love co-star na si John Vic De Guzman.

Bago magtapos ang taong 2020, pansamantalang naka-LDR muna sina Kiray at Stephan nang pumasok ang Kapuso actress sa lock-in taping ng Owe My Love.

Habang nasa lock-in taping ay nakuha raw ng komediyante ang ideya mula kay Buboy Villar na gawan ng prank ang nobyo nito.

Magkukunwari si Kiray na hinalikan siya ni John Vic at hihingi ng tawad kay Stephan sa pamamagitan ng video call. Ngunit hindi pa man niya nadedetalye ang kanyang kuwento ay kinabahan na ang kanyang nobyo.

Panimula ni Kiray, “Naalala mo 'yung nangako ako sa'yo na, 'di ba sabi ko sa'yo hindi ako magchi-cheat, hindi ko gagawin 'yun?”

At nang ikinuwento na niya ang nangyari ay hindi kinaya ni Stephan at tinapos nito ang kanilang video call. Nanginginig daw at hindi makahinga ang kanyang nobyo sa kanyang ginawang rebelasyon.

Natagalan pa bago muling nakausap ni Kiray si Stephan at napansin ng komediyanteng umiiyak ang kanyang boyfriend. Nang magkaroon ng pagkakataon ay agad na niyang binawi ang kanyang prank.

Wika ni Kiray, “Dad, Daddy, it's a prank. Alam mo ba kung sino nag-isip nun? Si Buboy. Tapos gamit ko 'yung cellphone ni John Vic, super supportive sila sa akin dito. Tapos gamit ko 'yung cellphone ni Kuya Jason [Francisco].

“Di ko naman gagawin sa'yo 'yun,” pahayag din niya habang naluluha.

Panoorin ang kanyang vlog dito:

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay nagpaabot din ng mensahe si Kiray sa kanyang supporters.

Aniya, “Etong vlog namin na ito ay para sa mga taong nasaktan pero hindi sumuko. Kagaya naming dalawa ng ex ko. Niloko man kami pareho pero hindi namin ginawa yung rason para manloko rin ng ibang tao. At gawin sa iba yung ginawa samin.

“Wag ka bibitaw, masakit man ngayon. Mahirap man sa simula. Pero worth it kasi kapalit ng maling tao, eh taong unang iiyak kapag umiyak ka. At pipiliing masaktan, wag ka lang masaktan. Hindi namin shinashare tong karanasan namin about sa mga ex namin para mapahiya mga ex namin. Pero para maging lesson sa inyo na masarap magmahal pag ikaw lang ang mahal!”

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis)

Isinapubliko ni Kiray ang kanyang relasyon kay Stephan noong January 2020. Ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary nitong December 13.

Kilalanin ang iba pang mga lalaking naging bahagi ng buhay ni Kiray sa gallery sa ibaba: