GMA Logo kiray celis on previous heartache
What's Hot

Kiray Celis, umaming ipinagpalit ng ex-boyfriend

By Dianara Alegre
Published June 24, 2020 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

kiray celis on previous heartache


“Pagkatapos masaktan at umiyak sa maling tao…,” sabi ni Kiray Celis nang makita na ang kanyang 'the one.'

Inamin ni Kapuso actress Kiray Celis na ipinagpalit siya ng dati niyang karelasyon at nakilala niya ang kasalukuyan niyang boyfriend sa kasagsagan ng kanyang heartbreak.

Sa Instagram post ng aktres nitong Martes, June 23, ibinahagi ni Kiray ang kanyang heartbreaks at kung paano nagsimula ang love story nila ng kasalukuyan niyang boyfriend, si Stephan Estopia.

“Nu'ng nagkakilala kami, parehas kaming wasak. Ako pinagpalit. Siya niloko ng paulit-ulit.

“Nu'ng panahon na 'yun, pare-parehas na tingin ko sa mga lalaki. Lahat manloloko. Walang hindi. Pero nu'ng nakilala kita, lahat 'yun nagbago. Hindi naman pala lahat pare-pareho. Depende rin sa tao.

“Siya naman ilang beses na nagbigay ng tiwala. Pero napunta lang sa wala. Dahil hindi na pagkakamali ang kasalanang paulit-ulit na ginagawa. Ang tawag du'n pananamantala. Wala kang awa sa taong walang ginawa kundi mahalin ka pero lagi mo lang binabalewala,” aniya.

“Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sakanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba.

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on


Dagdag pa niya, pagkatapos ng heartbreak ay labis na kasiyahan naman ang kapalit nang makilala niya si Stephan.

“Du'n namin napatunayan na kahit gaano mo kamahal ang isa tao, may hangganan pala. Magsasawa ka rin pala. Mapupuno karin pala.

"At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao, 'yun pala 'yung tamang panahon para makilala mo 'yung taong swak para sayo.

“'Yung taong kagaya mo magmahal. 'Yung karapat dapat sa tiwala mo. 'Yung taong gagawin lahat, sumaya, ngumiti at tumawa ka lang ng totoo,” dagdag pa niya.

“Hindi man siya ang gumawa, pero 'yang nadurog mong puso, bubuoin 'yan ng walang kahirap hirap ng taong kaparehong mong kayang ibigay lahat. 'Yung hindi ka gagawang pangalawa. Hindi yung mag-away lang kayo, may kausap ng iba.

“At porket napunta ka sa maling tao. Hindi ibig sabihin nu'n, maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa. Lahat ng lungkot mo may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa, kasi nga nasa tamang tao ka na,” sabi pa ni Kiray.

Kasabay nito ay ipinakilala ni Kiray sa kanilang baby, ang kanilang pet dog.

“Kaya wag ka matakot magmahal ulit. Malay mo, siya na talaga. At itong pagmamahalan namin ay nagbunga. HAHAHAHAHAHA! Buong mundo, pinapakilala namin sainyo si BIANCO CELIS ESTOPIA!,” aniya pa.

Nung nagkakilala kami, parehas kaming wasak. Ako pinagpalit. Siya niloko ng paulit ulit. Nung panahon na yun, pare parehas na tingin ko sa mga lalaki. Lahat manloloko. Walang hindi. Pero nung nakilala kita, lahat yun nagbago. Hindi naman pala lahat pare pareho. Depende rin sa tao. Siya naman ilang beses na nagbigay ng tiwala. Pero napunta lang sa wala. Dahil hindi na pagkakamali ang kasalanang paulit ulit na ginagawa. Ang tawag dun pananamantala. Wala kang awa sa taong walang ginawa kundi mahalin ka pero lagi mo lang binabalewala. Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sakanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba. Dun namin napatunayan na kahit gaano mo kamahal ang isa tao, may hangganan pala. Magsasawa karin pala. Mapupuno karin pala.. At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao, yun pala yung tamang panahon para makilala mo yung taong swak para sayo. Yung taong kagaya mo magmahal. Yung karapat dapat sa tiwala mo. Yung taong gagawin lahat, sumaya, ngumiti at tumawa ka lang ng totoo. Hindi man siya ang gumawa, pero yang nadurog mong puso, bubuoin yan ng walang kahirap hirap ng taong kaparehong mong kayang ibigay lahat. Yung hindi ka gagawang pangalawa. Hindi yung mag-away lang kayo, may kausap ng iba. At porket napunta ka sa maling tao. Hindi ibig sabihin nun, Maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa. Lahat ng lungkot mo may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa. kasi nga nasa tamang tao ka na. Kaya wag ka matakot magmahal ulit. Malay mo, SIYA NA TALAGA. 💛💛💛 At etong pagmamahalan namin ay nagbunga. HAHAHAHAHAHA! Buong mundo, pinapakilala namin sainyo si BIANCO CELIS ESTOPIA!!! 🐶

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Samantala, ilang beses nang ibinida ni Kiray ang boyfriend niya sa social media.

Proud na proud niyang ipino-post ang sweet gestures nito sa kanya pati na rin ang mga nakakakikilig nilang TikTok videos.

Kiray Celis receives early Valentine's surprise from non-showbiz BF

LOOK: Kiray Celis shows off new BF's sweet gestures

Hindi rin naman nagpahuli ang aktres sa pagpapakita ng kanyangsexy figure online kahit pa naka-home quarantine siya.

Kiray Celis shows off beach body in hot red bikini

Kiray Celis claps back at bashers of her sexy photo

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on