GMA Logo Kiray Celis
What's Hot

Kiray Celis claps back at bashers of her sexy photo

By Dianara Alegre
Published May 29, 2020 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis


Buwelta ni Kiray sa kanyang bashers: “'Pag sexy, kahit magpakita araw-araw…”

Binuweltahan ni Kapuso actress Kiray Celis ang mga basher na pumuna sa kanyang puwet makaraan niyang mag-post ng revealing photo nitong Huwebes, May 28.

Binatikos ng bashers ang tila paglalantad ni Kiray ng kanyang sexiness.

Flex ko lang yung super cool bag ng anak ko na si @biancothemaltese! Excited nako dalin siya sa mga taping at shooting ko soon. Inorder ko siya sa Dust Road Co sa facebook. Pero eto website nila. http://DR-Corp.com

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Sa halip na magpaapekto, lalo pang ibinida ni Kiray ang kanyang curvy physique sa social media bilang pagpapakita ng kanyang confidence.

“'Pag sexy, kahit magpakita araw-araw ng dede. Okay lang? 'Pag puwet ko, galit kayo? Korni n'yo!

“Puwet na lang nga malaki sakin. Maliit na nga sa height saka sa boobs, dami niyo pang sinasabi!

“'Di na lang natin i-angat ang isa't isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili, e. Kasi imbes na suportahan n'yo, lalaitin n'yo pa,” aniya.

Ipinagtanggol din niya ang mga kababaihan laban sa mga malisyosong kritisismo na bunsod ng pagpo-post o pagsusuot nila ng mga revealing na kasuotan.

“Malaki man o maliit, maitim man o maputi, wala kayong paki kung anong ipo-post ng bawat isa.

“Kung confident sila, bakit hindi? Kung du'n sila masaya, bakit hindi?

“Hindi nila pino-post 'yun para mabastos sila. Pino-post nila yun kasi proud sila!

“Bawal lumabas! Pero hindi bawal maglabas ng puwit!” dagdag pa ng aktres.

Pag sexy, kahit magpakita araw araw ng dede.. OKAY LANG? Pag pwet ko, galit kayo? Korni niyo! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHA! PWET nalang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS.. Dami niyo pang sinasabi! Di nalang natin i-angat ang isa't isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh. Kasi imbes na suportahan niyo, lalaitin niyo pa. Kala mo ang peperfect nila! HAHAHAHAHAHAHAHAHA Malaki man o malit, maitim man o maputi. Wala kayong pake kung anong ipopost ng bawat isa. Kung confident sila, bakit hindi? Kung dun sila masaya, bakit hindi? Hindi nila pinopost yun para mabastos sila. Pinopost nila yun kasi proud sila! :) Bawal lumabas! Pero hindi bawal maglabas ng pwet! 😂😂😂 Oh eto, MORE PWET PA PARA SAINYO! HAHAHAHAHAHA 🍑🍑🍑 #PWETSERYE

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Kiray Celis shows off sexy curves in latest summer photo

Samantala, kapansin-pansin ang magandang figure ni Kiray na proud naman niyang ipino-post sa social media.

Marami rin ang nakapansin na naging mas blooming si Kiray mula nang ipakilala niya sa publiko ang non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estopia na proud din naman niyang ibinibida sa kanyang social media accounts.

Sabi ko tinginan lang eh. Sinamantala yung video eh.. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! 😂 follow niyo sa tiktok at ig anak namin na si @biancothemaltese! 😍

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Kiray Celis at ang jowable niyang boyfriend