What's Hot

Kisses Delavin, tuloy ang Miss Universe journey: "This is my big dream."

By Jimboy Napoles
Published October 6, 2021 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

kisses delavin


Bigo mang masungkit ang titulong Miss Universe Philippines 2021, tuloy pa rin daw ang beauty pageant journey ni Kisses Delavin.

Marami ang humanga at napabilib sa performance ni Kisses Delavin sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2021.

Mula sa preliminary competition hanggang sa coronation night, naging usap-usapan ang galing ng Masbate beauty, na naging bahagi ng Top 10 candidates.

Umani rin siya ng mga papuri mula sa Pinay beauty queens na sina Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Sa panayam ni Kisses sa Unang Hirit nitong Martes, October 5, ibinahagi niya ang kaniyang mga naging preparasyon at karanasan sa nagdaang beauty pageant. Kabilang sa kanyang inilahad ang sikreto sa kaniyang killer abs.

“Nung nag-decide na po ako na gusto ko na mag-join sa beauty pageant na Miss Universe, my biggest dream, well, dinedicate ko talaga yung lahat ng effort ko. So, MWF workout, kailangan diet din po. Grabe, first time ko po nag-exercise and nag-diet sa buong buhay ko.” kwento ni Kisses.

Hindi rin daw napigilan ni Kisses ang maiyak pagkatapos ng beauty pageant.

“Sa backstage po ang daming emotions. I think lahat kami umiyak kasi nandun yung family namin, 'tapos inaalala namin yung mga designers namin, yung lahat ng pagod, yung friendship.

"Ang sarap sa feeling na matapos yung pageant not because you want it to be over but because you realize how much you gained.” ani Kisses.

“Pero syempre po, share ko lang, na na-sad din ako kasi especially naging close na ako sa mga sisters ko and unlike me, who can still join again because I'm just 22, others are already 28 so not everybody can join again and na-sad din ako for that.” dagdag pa ng aktres.

Pag-amin pa ni Kisses, hindi raw dito nagtatapos ang kaniyang Miss Universe pageant journey dahil patuloy daw ang kaniyang pag-abot sa kaniyang pangarap na maging Miss Universe.

“Ako po, I just know that… I'm just gonna let myself be surprised by myself. Kasi, ako din every day nasu-surprise sa kung ano yung bago kong ideas and just very open. I'm just looking at the positive side.

"Pero ako po, I am very sure that this is my big dream, so I will continue in this path that is for sure.” paglalahad ni Kisses.

Kasalukuyan pa ring nasa Bohol ang aktres kung saan ginanap ang beauty pageant, para mag-enjoy muna at mag-relax bago bumalik sa Manila.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang mga katangian ni Kisses Delavin na perfect fit para sa isang beauty queen.