What's Hot

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, magiging Kapuso na!

By Jimboy Napoles
Published October 4, 2021 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo miss universe


Inamin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa 'Unang Hirit' na malapit na rin siyang maging Kapuso!

Sinagot ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kung ano ang mga plano niya pagkatapos ng kaniyang Miss Universe 2020 pageant journey.

Sa "Queen-tuhan" sa Unang Hirit ngayong Lunes, October 4, masayang ibinihagi ng Pinay beauty queen na malapit na siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network at excited na siyang maging ganap na Kapuso.

“Magsho-showbiz na po ako," pag-amin ni Rabiya sa morning show hosts na sina Lyn-Ching Pascual at Suzi Entrata-Abrera.

Dagdag pa niya, "I'm gonna sign up with GMA, magiging isang Kapuso na po tayo and I'm excited to do acting and hosting na po in the future.”

Matatandaan na nagkaroon na rin ng guest appearance si Rabiya sa late night weekend program na The Boobay and Tekla Show, kung saan isinalang siya sa hot seat at sinagot ang mahihirap na tanong sa segment na "May Pa-presscon."

Isa sa mga maanghang na tanong ni Boobay sa Illonga beauty ay kung mabibigyan ito ng kapangyarihan na mabago ang nakaraan, pipiliin ba nito ang Miss Universe crown, love life, o tahimik na buhay.

Sagot ni Rabiya, "Siguro doon ako sa Miss Universe crown kasi hindi lang 'yun yong pangarap ko. Pangarap din 'yon ng maraming Pilipino, nang sangkabaklaan na sumuporta sa akin.”

Sa pagiging Kapuso ni Rabiya, isa na siya sa listahan ng Pinay beauty queens na piniling maging bahagi ng GMA Network.

Samantala, balikan ang naging Miss Universe 2020 pageant journey ni Rabiya sa gallery na ito: