GMA Logo Joshua Garcia at Gabbi Garcia
What's on TV

Kitchen scene nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa 'Unbreak My Heart,' mapapanood na

By EJ Chua
Published June 6, 2023 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia at Gabbi Garcia


Excited na rin ba kayong mapanood ngayong Martes ang isa sa intense scenes nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa #UnbreakMyHeart?

Matatandaang bago magsimula ang biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, binanggit ni Gabbi Garcia na dapat abangan sa serye ang kitchen scene nila ni Joshua Garcia.

Sa Unbreak My Heart Media Day na idinaos nito lamang May 25, 2023, ikinuwento ni Gabbi na ang naturang eksena ang isa sa mga hindi dapat palampasin ng mga manonood.

Ngayong Martes, June 6, matutunghayan na ang isa sa mga kaabang-abang na eksena nina Joshua at Gabbi bilang sina Renz at Alex.

Habang patuloy nilang kinikilala ang isa't isa, tila mas magiging magaan ang kanilang samahan.

Mapipigilan kaya nila ang kanilang mga puso na mahulog sa isa't isa?

Si Renz na kaya ang tunay na makapagpapasaya kay Alex?

Hanggang kailan kaya nila mapapanindigan ang kunwaring relasyon na kanilang napagkasunduan?

Makatulong nga kaya ang kanilang naging desisyon para makalimutan ang mga taong naging dahilan ng pagkadurog ng kanilang mga puso?

Panoorin ang ilang pasilip sa episode na mapapanood mamaya:

Samantala, sa isang panayam, ibinahagi ni Gabbi na very mature at kakaiba raw talaga ang kanyang role sa Unbreak My Heart.

Bukod kina Joshua at Gabbi, napapanood din bilang lead stars sa palabas sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Patuloy na subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: