GMA Logo Kitt Cortez
Photo source: @misterecoint
What's Hot

Kitt Cortez, 2nd runner-up sa Mister Eco International; Egypt, kauna-unahang winner

By Ron Lim
Published June 13, 2026 12:51 PM PHT
Updated June 13, 2026 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos declares special non-working days in 19 areas for June 2026
This sports program is building future bowling champions
Farm to Table: Your dish is my command!

Article Inside Page


Showbiz News

Kitt Cortez


Ginanap ang coronation night ng pageant noong June 11 sa Cordillera International Convention Hall ng Baguio Country Club.

Nakamit ni Kitt Cortez, ang representative ng bansa sa kauna-unahang male edition ng Eco International pageant, ang second runner-up position at ang titulo na Mister Eco International Asia, habang si Yosef Ali ng Egypt ang itinanghal na pinaka unang Mister Eco International.

Nagpahayag ng congratulations ang Mister Eco International organization para kay Yosef Ali at kay Kitt dahil sa kanilang historic na mga panalo. Ginanap ang Mister Eco International pageant noong June 11 sa Cordillera International Convention Hall sa Baguio Country Club.

A post shared by Mrecointernational (@misterecoint)

Pinangalanang Mister Eco International Philippines si Kitt Cortez pagkatapos manalo sa Mister Pilipinas Worldwide pageant nitong nakaraang taon. Ang iba pang winner noong taong iyon ay si Kenneth Cabungcal, na fourth runner-up sa 2025 Mister Supranational pageant, at si Kirk Bondad, ang kasalukuyang Mister International.

RELATED CONTENT: The Mister Pilipinas Worldwide winners are your new summer fitspiration

Unang sinabi ng Mister Eco International organization na gaganapin ang pageant ditto sa bansa noong July ng nakaraang taon.

A post shared by Mrecointernational (@misterecoint)

Kamakailan lamang ay ipinasa na ng Miss Eco International 2025 Alexie Brooks ang kanyang korona kay Palmira Ruiz ng Mexico. Si Gabbi Carballo ang kumatawan sa bansa sa Miss Eco International 2026 at nagtapos bilang parte ng Top 21.

RELATED CONTENT: A closer look at Alexie Brooks's stunning Miss Eco International gowns